“Akala ko Okay Na”
Akala ko nakalimutan na kita
Akala ko sasaya ako kahit wala ka
Akala ko tapos na
Ilang buwan na ang nakalipas
Simula ng ako'y iyong iniwan
Iniwan ng walang dahilan
Iniwan ng walang paalam
Iniwan ng walang katagang binibitawan
Hindi ko maintindihan ang iyong dahilan kung bakit mo ako sinaktan
Minahal kita ng lubusan
Buong buhay kang iningatan
Ngunit hindi padin sapat
Hindi ka pa din nakuntento
Binigay ko naman lahat ng kailangan mo
Ngunit iba pala ang iyong gusto
Buong puso kang pinag silbihan
Ngunit ito'y winasak mo
Walang sapat na katwiran ang iyong binigay
Basta’t bigla mo nalang akong nilisan
Pero sa pagiging totoo hanggang ngayon ikaw padin
Mahal
Ikaw pa din ang aking hinahagkan
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Tinta
PoetrySa likod ng mga tinta ng panulat at papel may mga tulang nabubuo, Tula na para gisingin ang sarili sa mga sakit at pighati, tula na para maibahagi lahat ng karananpsan na pinagdadaanan at higit sa lahat tula na para sa lahat. Ito ang iba't- ibang mg...