Okay lang ako
Oo okay lang ako kahit mayroon ka ng bago
Okay lang ako kahit iba na ang nag papasaya sayo
Okay lang ako kahit nakikita kong mag kasama kayo
Okay lang ako kahit hindi na ako ang gusto mo
Okay lang ako kahit hindi ko alam kung paano ako bubuo ng panibagong mundo
Okay lang ko kahit sobrang dilim ng mundo ko dahil sa pag iwan mo sa puso ko
Okay lang ako kahit durog na durog na ang puso ko
Okay lang ako kahit ang sakit sakit na
Okay lang ako dahil nasisilayan ko pa naman ang ngiti mo na nag papatibok sa puso ko kahit durog na ito.
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Tinta
PoetrySa likod ng mga tinta ng panulat at papel may mga tulang nabubuo, Tula na para gisingin ang sarili sa mga sakit at pighati, tula na para maibahagi lahat ng karananpsan na pinagdadaanan at higit sa lahat tula na para sa lahat. Ito ang iba't- ibang mg...