[36]:❤Litong isipan ba kamo?

3.9K 56 0
                                    

Teka sino kaba? Bakit mo ako niyayakap ng ganun kahigpit? Magkakilala ba tayo?”Napabitawa si Mhike sa pagkakahawak nya kay Jasmine. Hindi sya makagalaw sa mga narining nya.

Teka Jasmine, wag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatawa ok?” medyo pagalit na sabi ni Mika kay Jasmine pero umiling lang ito.<°Δ°>

Hindi ako nagbibiro Mika,seryoso ako hindi ko sya kilala.” Tumulo nalang ang luha ni Mika. At mulang nagsalita.

Jasmine naman hindi mo na ba sya nakikilala? Sya si Mhike.Boyfriend mo. Hindi mo na ba talaga sya naaalala?” pagpupumilit ni Mika.

Boyfriend? Ha-ha ikaw yata ang nagbibiri Mika.Hindi ko sya boyfriend. Diba alam mo naman na si Anthony ang boyfriend ko?”

Pero patay na sya.” Paliwanag ni Mika.

Hindi ako naniniwalana patay na sya Mika, magkausap lang kami. At mas lalong hindi ko pinaniniwalaan na boyfriend ko yung Mhike. Si Anthony ang mahal ko. Bakit nyo ba ipinipilit?”

Kasi yon ang katotohanan” sumabat na si Monique sa usapan nilang dalawa.(-_-#)

Pati ba naman ikaw Monique nakikisali sa kanila? Hindi ako naniniwala sa inyo.”

Bessy” niyakap nalang sya ni Kaye.

Jasmine” tawag ni Mhike sa kanya.Lalapit n asana si Mhike kay Jasmine pero pinigilan sya nito.

Jan ka lang.Wag mo akong lalapitan.Pwede ba wag kang makisali pa sa kanila hindi totoo na boyfriend kita hindi ako naniniwala ni hindi nga kita kilala.Umalis ka dito.Alis” pagtataboy ni Jasmine kay Mhike paalis. Hindi na nagawa pang makalapit ni Mhike.

Lumabas ka na muna Mhike.Mukhang may hindi tama sa kanya.Bumalik ka nalang kapag tulog na sya baka hindi ito makabuti para sa kanya.” paliwanag ni Monique sa kanya.

Badgirl vs.the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon