[45]:❤Sorry

3.5K 41 2
                                    

Pagpasensyahan nyo na ang UD, may sayad ang otor kaya may sayad din ang story!

Intindihin nyo nalang ang mga nangyayari. Any questions? just comment kung wala just VOTE.VOTE.VOTE. I dont need fans anyway, i just need readers who will support me til the end <3

___________________________________________________________________________

Jasmine’s pov

Sabihin nya na lahat-lahat wag lang ang salitang yun. Hindi ko yata kakayanin na tawagin nya ako ng ganun. Putek na buhay to oh. Umiiyak na naman ako ngayon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Takbo lang ako ng takbo pababa ng rooftop. ‘Pwede ba tumigil ka na sa kakatulo mo?’ kusa nalang kasing lumalabas mula sa mga mata ko ang letcheng luha na ito.

Nagpunta nalang ako sa school ground at doon umupo ako sa isang swing at umiiyak lang. Ano bang nangyayari samin? Nung nakaraang araw naman ayos pa kami ah? Ok lang naman sana na awayin ako ni Nicole kahit araw-araw pa. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay mas ako pa nagmukang masama. Oo masama ako pero dahil ba doon ako na talaga ang may kasalanan sa mga nangyari?

 

 

Eto panyo gamitin mo” ewan ko kung sino ang nag-abot sakin ng panyo hindi na ako nag abala pang tingnan kinuha ko nalang yun at ipinunas sa mga luha ko kaso halos lahat nang parte ng panyo eh nabasa na yata ayaw parin tumigil ng mga luha ko.

 

 

May extrang panyo ka pa ba?” tanong ko dun sa taong nag-abot sakin ng panyo. May napansin naman akong napakalaking towel na bigay nya sakin.

 

 

Ayan sa tuwalya mo nalang ipunas. Kung kulang pa talag kukuha nalang ako ng balde” ewan ko ba kung natatawa ako sa mga sinabi nya. Maya-maya pa ay natigil na naman ako sa kakaiyak ko.

 

 

Oh ayos ka na ba?” tanong nya sakin. Medyo nag nod lang ako. Hanggang ngayon hindi ko parin sya tinitingnan.

Badgirl vs.the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon