[42]:❤Hello. Goodbye!

3.7K 58 10
                                    

EH? ayan ang bilis kong mag UD ano? hihi ngayon lang to kasi walang pasok! 
Dedicated to HER, salamat sa pag FAN girl ;) enjoy the UD.. [Para itong kadugtung nung Special Chapter nila Monique and Troy] OH SYA MAY KOTA NA ITO 20 VOTES BAGO ANG NEXT UD :p

__________________________________________________________________________ 

Hinatid ako ni Mhike sa bahay pero hindi na sya  pumasok sa loob ng bahay. Syempre bago sya umuwi ay naglandian muna kami sa labas XD. Hindi ko man sya gustong umalis pero kailangan na kasi mag gagabi na din.

Pagkapasok ko sa loob, naabutan ko na naman ang aming dakilang tagapamahala ng bahay (referring to chapter 7). May pa higa-higa pa sya sa sofa at kumakain ng madaming pagkain. Kumulo na naman dugo ko sa kanya.

Nung nakita nya na  ako agad naman syang napatayo at inayos ang sarili nya. Tinaasan ko nalang sya ng kilay at  maglalakad na sana papunta sa kwarto ko pero hindi talaga mabubuo ang araw nya kapag hindi sya nakipag away sakin eh.

Nakabalik na ang demonyita kong amo” bulong nya sa sarili nya at sa tingin nya hindi naka on ang Wi-fi ko?  jan sya nagkakamali. Bumaba muna ako ng hagdan at pinuntahan sya.

So hows vacation? Nag enjoy kaba dito sa bahay NAMIN  habang wala ako?” sabay tingin sa kanya mula ulo hanggan paa gamit ang pang-asar kong tingin sabay nagsalita.

Baka naman nasobrahan ka na sa pag-eenjoy habang wala ako at kahit na nandito na ang Amo mo ay feeling senyorita ka parin? Aba… tsk!.. kung ako ang TAGAPAMAHALA lang ng bahay hindi ako aasta ng ganyan. Kasi alam mo, ang tawag dyan ay S-O-C-A-L C-L-I-M-B-E-R.... SOCIAL CLIMBER FOR SHORT” saka inirapan sya at ngumiti ng nakakaloko.

Inaayos ko naman PO ang pag-babantay sa bahay nyo MS. Hinid naman po ako pabayang mayordoma” sagot nya sakin ng buong pagkataong pagmamalaki.

Inaayos mo ang pagbabantay? Huh! Bakit aso kaba? Eh sa tingin ko mas maayos pa magbantay ang aso kong si Athena sayo eh..opss!.. Sorry PO nadulas lang..” sabay ngiti na naman sakanya ng sobrang plastic.

Urrg! Kahit kelan hindi ka na talaga magbabago. Ang sama-sama ng ugali mo. “Natuluyan ka na sana” sabay bulong nya.

Sana nga. Pero pasensya na huh? Matagal talagang mamatay ang masamang damo eh. Better luck next time” sabay alis na sa harapan nya at akoy papasok na sa loob ng aking pinakamamahal na kwarto.

Badgirl vs.the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon