P a r t 2

64 2 0
                                    

Federico Villafuente☝🏻

ZOIE'S P.O.V

Nagising ako sa loob ng Clinic. Alam kong Clinic ito dahil lagi akong napupunta dito tuwing magkakasugat ako dahil sa mga trip ng mga tao dito sa school na toh. Mahirap ?! Oo mahirap syempre araw-araw kang may pasa at may sugat laking pasalamat ko na lang at mabilis itong gumaling at madalang lang mag-iwan ng mga marka o peklat.

Babangon na sana ako kaso may biglang nagsalita.

"Wag ka munang bumangon magpahinga ka muna," sabi ni Federico.

"May klase pa ako," nag-aalalang sabi ko.

"Lumiban ka muna don baka pag-initan ka na naman," nag-aalalang sabi ni Federico.

"Salamat nga pala sa pagtulong nakakahiya na sayo ang dami mo ng naitulong sa akin kahit hindi mo naman ako masyadong ka-close," sabi ko na may kasamang ngiti.

"Haha w-wala lang yon sa akin trabaho ko naman iyon" medyo nahihiyang sabi nito .

Siya pala ang nagligtas sa akin. Si Federico ang School President at apo ng Dean. Ilang beses n'ya na akong nililigtas tuwing may ganitong insidente. trabaho n'ya naman yon pero malaki parin ang pasasalamat ko sa kanya dahil ilang beses ko ng hiniling kapag nawawalan ako ng malay ay sana mamatay na lang ako para tapos na lahat ng problema pero dahil sa kanya heto buhay parin ako hindi naman sa ayaw kong mabuhay pero best option ang mamatay ilang beses ko na ring triny magpakamatay pero hindi natutuloy para bagang sinasabi ng panginoon na hindi ko pa oras tiisin ko muna lahat ng hirap.

"Oo nga trabaho mo nga yon pero salamat parin dahil sayo buhay parin ako," sabi ko.

"Bakit hindi ka na lang lumipat ng eskwelahan ? Tutulungan kita para naman hindi ka laging inaapi dito baka sa susunod na iligtas kita ay ....." hindi na n'ya itinuloy ang sinabi n'ya at yumoko tila ba nalulungkot.

"Gano'n parin naman ang mangyayari sa buhay ko... sino ba namang hindi maaasar sa pagmumukhang toh! Ahaha" sabi ko at pilit ang pagtawa.

"M-maganda ka naman hindi ka lang nag-aayos," masayang sabi n'ya.

"Wag mo na akong bolahin dyan bumalik kana sa klase mo... baka hinahanap kana ng mga fans mo!," makulit kong turan sa kanya.

"Nagagawa mo pa talagang tumawa noh! kahit muntikan ng matanggal yang anit mo kanina! sabi nung nurse eh kaya raw dumugo ang ulo mo kanina ay nakalmot ka raw banda roon at nahimatay ka naman daw ay dahil kulang ka sa tulog at kain," pagpapaliwanag niya.

"Ganon naman talaga pagmiserable ang buhay itawa na lang kahit masaklap, buti naman ay hindi napunit ang anit ko, ito na nga lang ang tanging meron akong maipagmamalaki sa katawan ko ....ang sakit pa naman manabunot ni ate Jade" ate ang tawag ko sa kanya dahil mas matanda s'ya sa akin ng 2 taon.

"Tama na nga sa kakabiro.. bakit ba hindi ka natutulog at kumakain ng maayos? pinagmamaltratuhan ka na naman ba ng Tiyahin mo?" nag-aalalang sabi n'ya.

"As usual ano pa bang bago?" medyo malungkot kong sabi.

"Eh kung ganon eh dapat nating isumbong yan sa mga pulisya para matigil na !! Hindi ka ba nagsasawa?!" galit n'yang tugon.

"Ano namang magagawa ng mga pulis na yan kapag nagsumbong ako sa mga yan eh magsisinungaling naman si tiya at magdadrama na hindi nya ako minamaltrato," sabi ko.

"May naisip akong ideya!" Parang batang turan n'ya. Minsan nagtataka ako kung bakit ko kinakausap ito, masaya naman s'yang kasama at mabait nagtataka nga lang ako kung bakit nilalapitan n'ya ko gayong lahat ng tao rito sa university ay kinamumuhian ako.

"Anong ideya naman yan?" tanong ko.

"Doon kana lang kaya muna tumuloy sa amin tutulungan kita! Pag-aaralin pa!!!" napakadaling sabihin iyon para sa kanya dahil marami silang pera.

"Nababaliw ka ba ? Hindi mo nga ako masyadong kakilala eh atsaka nakakahiya noh magiging issue pa yan dito sa eskwelahan mas lalo akong pag-iinitan!" hindi kami close masyado pero alam n'ya ang tungkol sa amin ni tiya dahil sa nung una n'ya akong tulungan ay nagtanong sya at naikwento ko sa kanya.

"So what?!" yun lang ang tanging sinabi nya.

"Basta hindi ako papayag sa ideya mong yan titiisin ko lang muna lahat, " sabi ko.

"Pumayag kana hindi naman kita sisingilin eh!" nakangising sabi nito.

"Sa pagkakaalam ko hindi nangungulit ang mga gwapo at matatalino," pang-uuto ko sa kanya para matigil s'ya dyan sa ideya nya dahil paniguradong kukulitin nya ako ng bonggang-bonga pag hindi ako pumayag.

"O sige na nga hindi na kita kukulitin pero hindi ko bibitawan ang offer ko sayo kapag kailangan mo ng tulong, lumapit ka sa akin para matulungan kita hihintayin ko ang sagot mo bukas para makapag-isip-isip ka pa," malumanay n'yang sabi.

"Oo na!" sabi ko na lang kahit wala akong planong umo-o sa ideya nya.

"Kumain kana ba?!" tanong n'ya.

"Hindi pa kaya nga ako nahimatay kanina eh!" sabi ko.

"Ay oo nga pala hahaha," sa pagtawa nyang yon ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.

"Ito oh may dala akong pagkain binili ko yan kanina, binili ko yan dahil alam kong pagkagising mo ay makakaramdam ka ng gutom," masayang sabi n'ya habang pinapakita sa aking ang dalawang supot ng pagkain.

"Salamat hindi ko na tatanghihan toh dahil nagugutom na rin ako," at isang malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain habang kinukwentuhan nya ako ng kung anu-ano ng makalabas kami sa Clinic ay madilim na sa labas napasarap kasi ang kwentuhan namin at hindi namalayan ang oras hindi tuloy sya nakapasok sa klase nya kaya parehas na kaming absent. Magkaiba kami ng kursong kinuha, ang kinuha n'ya daw ay bussiness management dahil iyon raw ang nais ng kanyang tatay at nanalantay sa dugo ng pamilya nila ang pagnenegosyo. Meron silang apat na malalaking kumpanya sa Manila at pitong hotels naman dito sa Tarlac.

Kilala sila rito sa probinsya ang pamilya nila Federico ay isa sa mga maimpluwensyang pamilya sa loob at labas ng bansa... masisipag magtrabaho ang pamilya ng Villafuente. Ngunit tanging ang lolo nya lang ang nagtayo ng Unibersidad dito sa tarlac at sya na mismo ang Dean namin. Sikat ang paaralang pinapasukan ko, mayayaman at maimpluwensyang mga kabataan ang naririto kaya ganoon na lamang ang pagkamuhi nila sa akin. Nakapasok lang ako rito dahil sa scholarship. Si Jade naman at si Mark ay dahil rin sa negosyo nila tiya. Hindi ako pinag-aaral nila tiya tanging dugo at pawis ang ginagamit ko pangpa-aral sa'king sarili. Kaya nagsusumikap ako para hindi matanggal sa scholarship at kumakayod pagkatapos ng klase sa isang Coffee Shop.

Ang scholarship at ang trabaho ko na lamang ang pag-asa ko upang patuloy na makapag-aral kahit gabi na akong umuuwi at nagpupuyat para gumawa ng mga assignments and projects ay hindi parin ako sumusuko.

Dali-dali akong naglakad papasok sa aking pinapasukan na trabaho malapit lang din sa Unibersidad na aking pinapasukan.

Pagkarating ay agad akong nagpalit ng uniporme at inasikaso ang mga costumers 24hrs ang coffee shop na ito patok na patok ang panlasa para sa mga kapampangan.

Ang kinikita ko naman rito ay sapat na upang mabili ang aking mga pangangailangan tulad ng mga projects at kung anu-ano pa.

Matapos ang aking shift ay hinanda ko na ang aking sarili dahil tiyak na masesermonan ako dahil sa nangyari kanina at tiyak ako, na ako na naman ang masisisi at paniniwalaan na naman ang kasinungalingan ni Jade.

FROM NERD TO GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon