P a r t 3

43 3 0
                                    

Lee joon-gi as your Aiston ☝🏻

ZOIE'S P.O.V

Habang papalakad pa lamang ako malapit sa bahay namin ay nakarinig na ako ng mga ingay. Nang makalapit na ako rito ay nakita kong wasak-wasak at nakalabas ang ibang gamit ko lalo na ang mga lumang gamit ng yumao kong ina. Ihahanda ko na sana ang sarili ko upang magalit kila tiya ng bigla n'yang buksan ang pintuan

"Oh Andyan na pala si Zoie!"

Anong meron?

Hinila nya ako papasok ng bahay nararamdaman kong tumutusok at bumabaon ang kuko nya sa'king balat.

"Sumunod ka sakin! Naintindihan mo ?! Wag na wag kang aangal kung hindi malilintikan ka!"

Hindi na lang ako sumagot dahil wala naman akong ideya kung anong meron ngayon sa bahay.

Ipinagpaliban ko muna ang mga wasak at sirang gamit ni ina'y sa labas.

"Ah sir ito ho oh pamangkin ko ! Baka pwedeng sya na lang ang ipambayad namin sayo ! Hindi pa ito nagagalaw ! Sir ! Fresh fresh ! Pagtsyagaan mo na lamang ang mukha ! Sa katawan namn ay mabubusog ang iyong mga mata !"

Ano daw?! Bukod sa paninira nya ng gamit ng yumao kong ina at pagmamaltrato nya sa akin ay ngayon ibinubugaw n'ya naman ako ! hindi ito pwede ! Kailangan ko ng makatakas dito !!!

"Ano pong sinasabi nyo tiya ?! Anong meron?!!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak dahil nalilito at natatakot ako sa mga nangyayari.

Kasabay ng paghikbi ko ay ang pagkurot ni tiya sa aking tagiliran at pagbulong sa aking tenga...

"Wag kang umangal wala ka nang silbi sa bahay na ito yamang ibenta na lamang kita pambayad sa utang!"

Mas lalo akong humikbi at nagpupumiglas sa kanya.

Kakapiglas ko ay hindi ko namalayan na ibebenta n'ya pala ako dito sa lalaking nasa harap namin ngayon na nakatalikod at pinagmamasdan ang mga larawan na nakalagay sa pader. Ang asawa naman ni tiya ay hawak ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan. Ang lalaki naman na nakatingin sa mga litrato sa lader ay may hawak na baril. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit desperadang-desperada si tiya. Siguro ay nagka-utang ang kanyang asawa dahil sa gambling nito.

"Hindi ako pumunta dito Devina para ang ipambayad n'yo sa akin ay isang babaeng kaladkarin pumunta ako dito dahil NANININGIL AKO SA UTANG NYONG PERA !!! HINDI POKPOK!!!" may diin at galit na galit nitong sabi na nakapagpataas ng balahibo ko pero may kakaiba sa boses nito...lalaking lalaki.... nakakaakit!

Aysh!!! Ano bang iniisip ko!! Nasa bingit na nga ako ng kamatayan ! Atsaka ano daw sabi n'ya !!! Kaladkarin?! Pokpok?! Ang kapal!!!

Naramdaman ko namang nanginginig na si Tiya Devina at natatakot na para sa kanyang asawa. Ngayon ko lang din napansin na nakatali ang mga anak n'ya si Jade at si Mark. S'ya lang pala ang hindi itinali.... pero may sugat s'ya sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay....siguro ay nanlaban ito kaya nasaktan.

"Ah ano kasi Senyorito! Eh w-wala pa k-kasi kaming kwarta! Pwede bukas na lang ?! O kaya si Zoie na lang ! Pangako hindi pa ito nagagalaw ! At batang bata pa!"

Masama...masama na talaga ang ugali ni Tiya Devina... alam kong hindi n'ya ako tanggap bilang isang parte ng pamilya pero ang ibugaw ang sarili mong kadugo ay magagawa lamang ng mga walang puso.

Kasabay ng paglakas ng hikbi ko ay ang pagharap ng lalaking nasa harap namin. Napatigil ako sa pag-iyak ng makita ang mukha nito.... hindi ko pwedeng masabing gwapo sapagkat walang salitang makakapagpapakahulugan rito ay kung hindi isa syang epitome bawat korte ng mukha ay perpekto.. ang mga mata... ilong....bibig.... buhok at pangangatawan ay halos hindi ko maidiskubra!

Nagtama ang aming mga mata ...kahit na nanginginig ako sa takot ay parang hinihila ako ng mga mata n'ya na tumingin sa kanya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang nilalang.

Ang mga mata nito ay maraming sinasabing emosyon.... ngunit nangingibabaw parin ang pagiging seryoso at masungit nito.

Hindi ko na kaya pang makipagtitigan pa sa kanya dahil baka matunaw lamang ako.

Pero bago pa man ako bumitaw ng tingin ay ngumisi ito ng makahulugan na nakapagpabilis ng puso ko...

Tumingin ulit s'ya kay tiya..

"Wala ka talagang puso Devina... kay bata bata ay ibinubugaw mo sa akin... at sa pagkaka-alam ko ay pamangkin mo ito HINDI BA ?!"

"Ah s-senyorit-o a-no ka-si oo pamangkin ko s'ya pero wala na namang sil—"

"Tama na Devina... I'll give you 3 more days to pay me back... if after 3 days you still haven't had the money...you know what will happen to your family....so for the meantime I will be taking this lady " sabay tingin n'ya sa akin ng seryoso.

"CGE PO SENYORITO KAHIT HINDI NYO NA PO IBALIK MAKAKAASA PO KAYO WALA PA ANG PANGATLONG ARAW AY NAKA—"

"Mark And Zen take her"

Binitiwan ako ni tiya at kinuha ako ng mga lalaking kanina lang ay humahawak sa asawa ni tiya. Nagpupumiglas ako pero patuloy ang pagkaladkad nila sa akin papunta sa mahaba at magara nitong kotse kung hindi ako nagkakamali ay isa itong Limousine.

Nang makapasok sa loob ay nagsisigaw ako.

"SAAN NYO AKO DADALHIN BITIWAN NYO AKO !!! PARANG AWA NYO NA!!!"

"Sa bahay ko san pa ba ?" walang ganang sagot nito at nagbukas ng champagne.

"ANONG GAGA—"

Bago pa ko pa man maituloy ang sasabihin ko ay may nilagay na silang panyo sa ilong ko na... nakakahilo ang amoy at unti-unti akong nawalan ng malay.

FROM NERD TO GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon