P a r t 4

39 3 0
                                    

IU as Zoie PrimRose☝🏻

Zoie's P.O.V

Nagising ako sa isang malaking kwarto. Malambot ang kama. Royal blue ang theme ng kwarto. Amoy na amoy rin ang panglalaking amoy ng may-ari nito. Ang bango. Napakalinis at napakaluwag.

Napasinghap ako.

"Wait nasan nga ako ulit ?!"

Mas lalo akong napasinghap ng maalala lahat ng nangyari kanina.

"Kailangan ko ng makatakas dito!!!"

Ito na talaga todo-todong napasinghap na ako!!!!

Pagtingin ko ay iba na ang suot ko!!

"Hala ! Sinong nagbihis sa akin!! Nagalaw na ba ako !?! H-hindi p-pwede h—-" para akong baliw sa mga pinagsasasabi ko, imbis na umiyak ay tinanggap ko na lang na pinagsamantalahan na ako....

Wala naman akong nararamdaman na sakit sa hita ko? Siguro naging maingat s'ya kanina at sinamantala habang wala akong malay!!!

Tuluyan na akong naiyak....

"Wow... hindi ako pedophile para patulan ka..."

"AY! SUSMIYO!!!" gulat na turan ko, bigla bigla na lang kasi syang sumulpot na parang kabute......... at nakatopless.

Feeling ko ay malalagutan na ako ng hininga kapag ipinagpatuloy ko pa ang pagtingin sa perpektong katawan n'ya.

"Tapos kana ?!" nakangising sabi nito.

"Huh?!" ang kapal naman ng mukha nito! well totoo naman... sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa katawan n'ya!

"Kung iniisip mong ako ang nagpalit sayo ng damit.... nagkakamali ka si manang ang nagpalit sayo....kung iniisip mo din na pinagsamantalahan ko yang katawan mo nagkakamali ka din.....hindi ako pumapatol sa bata at lalong hindi ko TYPE yang KATAWAN mo"

Nakahinga naman ako sa sinabi nyang hindi n'ya raw ako pinagsamantalahan pero sa sinabi nyang pangungutya sa katawan ko ay isang malaking ekis!!!! At hindi raw s'ya pumapatol sa bata?! Huh! Talaga lang ha ! Kaya nga n'ya ako kinuha sa tiya ko diba ! Para pambayad pansamantala habang di pa sila nakakabayad sa utang!!! At ako yon !! Oo ako !! Anong gagawin n'ya sa akin dito gagawing katulong?! Malamang hindi diba ?!!! Katawan ko lang ang habol ng isang toh!!!

"Hindi a-ako naniniwala sayo!!! Bakit mo ko kukuhanin kay Tiya kung wala kang balak sa akin?!!!!"

"Bata... wag kang masyadong nangangarap!! Wala akong balak na gawin sayo yang ino-offer sa akin ng tiya mo! Hindi ako pumapatol sa bata !! Kinuha lang kita kasi naawa ako sayo dahil alam kong pinagmamalupitan ka nun ni Devina! Halata na nga di ba?!! Ibinugaw ka na nga sa akin!"

"Ah kung ganoon ay salamat naman..... umm.. na-nasan nga pala yung sa-salamin k-ko?" Arghhh!! Bakit ba ako nauutal?!!

"Wala sira na" sagot n'ya habang nilalagyan ng gel ang kanyang buhok at sinusuklay ito pataas... nagreready ata mukhang aalis.

"Hala?! Paano ako makakakita ng maayos??!!!"

"Pakielam ko.. teka nga lang... masyado kang pormal bata ah! Tandaan mo ako ang nagdala sayo rito! At isa pa mas nakakatanda ako sayo ! Mag po ka naman ! O di kaya gumamit ka ng Sir!"

Arte sapakin ko kaya toh ! Bakit ako magpapasalamat eh sa itsura ng mokhong na toh hindi naman n'ya ako pa tatagalin rito, pupulutin lang ako sa kangkungan!

"Sir... hindi po kasi talaga ako makakakita ng maayos eh...." napilitan akong sabihin yung sir na gusto n'ya kasi kailangan ko talaga ng salamin dahil hindi talaga ako makakakita ng maayos !!!

"Hindi makakakita ng maayos ?! kaya pala grabe kang makatitig kanina?"

"Ah naku poh sir hindi po yan totoo! Y-yung p-pader po yung tinititigan ko kanina!" sinungaling! sabi ng kabila kong isip.

"Kawawa ka naman... heto oh gamitin mo muna yung salamin ko.."

Tinanggap ko na lang kahit hindi ko alam ang grado.

"Sa-salamat po"

"Tumalikod ka muna magbibihis ako"
Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi n'ya.

Sinunod ko s'ya at tumalikod.

Pinagmasdan ko ang salamin na ipinahiram n'ya sa akin at medyo naaninag ko ang design nito dahil medyo inilapit ko. May style ito na parang pirma sa gilid. Pirma n'ya siguro.

Sinuot ko.

Wow! Sakto lang ! Parehas siguro kami ng grado!

Bigla ulit nag-init ang pisngi ko dahil alam kong nagbibihis s'ya sa mga oras na toh at isang lingon ko lang ay magkakaroon na ako ng pagkakataon na masilayan ang maalindog nyang katawan.

Argghhh!!! Ano ba tong pinag-iisip ko !!!
Ah! Basta kailangan ko na talagang tumakas dito ! Siguro manghihingi na lang ako ng tulong kay Federico!!! Wala din akong matitirhan ngayon !!  Siguro ay tatanggapin ko na lang offer n'ya kahapon !!! Babawi na lang ako sa kanya! Basta kailangan ko na talagang makatakas dito.

"Pwede ka nang humarap"

Humarap na ako at mas malinaw na ang nakikita ko kaya naman kitang-kita ko ang gwapo nyang mukha at ang manly attire n'ya nakabussiness suit s'ya... at nakaunbutton ang dalawang butones sa kanyang polo na mas lalong nagpa-hot sa kanya.

Nagkakasala na ako ! Kailangan ko ng magsimba !!!

"Dito ka muna panandalian, pwede kang lumabas ng kwarto kung gusto mo pero hindi ka pwedeng lumabas ng bahay.... kung nagugutom ka pumunta ka sa kitchen at si Manang na ang bahala sayo mamayang 8:00 pa ang dating ko, pag-uusapan natin mamaya kung san ka titira, kung may balak kang tumakas...... Wag mo ng ituloy kung ayaw mong masaktan"

Tumango naman ako lalo na ng sinabi nyang wag daw akong tatakas baka masaktan ako! Nakakatakot naman !!! Pero hindi ako magpapasindak tatakas parin ako !!!

Umalis na sya. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at maingat akong lumabas at sinarado ang pinto. Pati ang mga yabag sa hagdan ay pinakaingatan ko rin.

Hindi pa man ako nakakababa ay may humawak na sa kamay ko. Huli na ang lahat, sira na ang plano kong makatakas !

FROM NERD TO GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon