P a r t 10

40 3 0
                                    

ZOIE'S P.O.V

Nasa loob na kami ng kan'yang sasakyan. Tahimik sa loob and super awkward. Nakatingin lang ako sa bintana habang nalalagpasan namin ang mga magagandang tanawin.

"Umm... Aiston ano nga palang isasagot ko kapag nagtanong ng mga personal na bagay yung dad mo tungkol sa akin?" Tanong ko. Buti na lang at naalala ko kung hindi baka mapahiya pa ako sa harap ng tatay n'ya.

"Hindi mahilig magtanong si Dad tungkol sa mga bagay na ganyan. One look is enough for him besides that I already gave him the details about you." Sagot nito habang hawak ang kanyang phone at mukhang may katext.

"As in lahat?!" Tanong ko. Syempre baka mamaya pati yung tungkol kay tiya ininclude n'ya din.

"I'm not an idiot to let him know about that. All the details I gave to him about you are all lies." Sabi n'ya sa akin ng nakaharap at biglang smirk. Demonyo talaga ang lalaking 'to. Hirap din ispelengin ng ugali.

"Ok." Tipid kong sagot sabay tingin ulit sa bintana. Ang ganda talaga sa maynila.

"Oo nga pala, bago ko makalimutan andun nga pala ang mga kapatid ko so act fine and modest." Sabi ni Aiston habang busing-busy parin sa kan'yang phone.

"Ok." Tipid ko ulit na sagot.

...........

"Andito na po tayo sir." Napalingon ako sa bintana at napawow na lang ako sa sobrang laki ng bahay, No! Hindi ito isang bahay lang kundi palasyo sa sobrang laki.

Pinagbuksan ako ng driver at inalalayan sa pagbaba. Buti pa 'tong driver n'ya gentelman eh s'ya?.... Ewan ko na lang.

Lumapit sa akin si Aiston at kinalawit ang kamay ko sa kamay n'ya.

Kaya lang naman n'ya ginawa yon ay dahil may paparating na mga bisita.

"Good Evening sir Aiston!" Galak na sabi ng magandang babae na plump na plump ang lips at akala mo pinasukan ng watermelon sa sobrang laki ng dibdib. Hmm... hula ko fake yon hindi kasi nagalaw.... hehehe.

"Good Evening Ms. Diaz!" Bati naman ni Aiston sabay lapit sa babae at yakap dito. Wow. Kapal. Gagawin talaga lahat makachansing lang. Tsk. Tsk. Mga lalaki nga naman oh. (A/N hindi ko nilalahat yung iba lang)

"Wow pare it's nice to see you here! Tagal mo ng hindi napunta sa mga ganitong okasyon ng iyong ama!" Sabi ng isang lalaki mukhang may lahing Italyano pero fluent sa pagtataglog. Infairness pogi s'ya.

"Oh Mark alam mo namang napakabusy ko ngayon sa company diba?!" Sabi naman ni Aiston na may halong pagkasarkastiko.

"Nice sino 'tong chikababes na dala mo? Pakilala mo naman kami oh!" Sabi naman ng isa pang lalaking na maala Harry Styles ang haba ng buhok. Take note mapapawow ka din sa kanyang kapogian. Salamat naman at di masasayang ang araw ko dito maraming pogi.

"Later Smith..." Sabi ni Aiston sabay kindat dito. Wow balak pa ata n'yang mansuprise ha!

"Wait mukhang ang bata naman  ng dala mo ngayon Aiston!" Sabi nung babaeng parang hindi mabubuhay kung wala ang lip fillers. Well ingit lang s'ya kasi ako fresh and young sya? Fake na..gurang pa.

"Hindi mo naman sinabi na mahilig ka pala sa bata..." Sabi nung bagong paparating na babae sabay lingkis ng parang sawa kay Aiston. Walang hiya-hiya basta sawa na may pagkahigad tuloy-tuloy lang sa kalandian. Pero
ano nga bang karapatan kong magreklamo eh hindi naman totoo 'tong relasyon namin ni Aiston at isa pa nakakapanliit ang kasexyhan at kagandahan nitong babaeng 'to parang victoria secret model sa ganda.

So ano nga palang ginagawa ko? Heto nakatayo at pinagmamasdan ko silang magtitigan. Tumahimik lahat ng mga kausap n'ya kanina ng sumulpot 'tong babaeng to. Pati s'ya natameme, pero mababakas ko sa mukha n'ya yung lungkot at parang..... nasasaktan s'ya?

"No Rachel she just looked young... because goddesses are supposed to look fresh and young. Nice meeting you again guys please excuse us and we'll see you later."

So Rachel pala name n'ya... and WHAT?! Goddess?! Mukha pala akong goddess?! Seryoso ba s'ya oh nagpapanggap na naman. Well ano pa banag purpose ng relationship na 'to? edi magpanggap hayst!

Bigla akong hinila ni Aiston palayo sa kanya medyo mahigpit yung hawak n'ya sa wrist ko kaya nasasaktan ako. "Aiston dahan dahan lang naman masakit yung paghawak mo sa kamay ko." Mahina kong bulong pero nakakunot ang noo ko dahil 'di ko matiis yung sakit.

Binitiwan n'ya na ang kamay ko nang makarating kami sa isang kwarto na walang katao-tao puno lang ng painting sa walls tapos may malalaking sofa na parang ayokong upuan dahil sobrang ganda.

"Stay here may tatawagan lang ako." Masungit n'yang sabi sabay talikod. Papalag sana ako kaso tuluyan na s'yang nakaalis. Ayoko sanang maiwan dito mag-isa  baka kasi mamaya bigla na lang sumulpot ang tatay n'ya.

Katulad ng pinag-uutos ni Aiston at bilang isang masunuring fake fiancé eh tumunganga lang ako sa mga paintings at naghintay.

Lumipas ang isang  oras hindi parin bumabalik si Aiston. Grabe sinong matinong lalaki ang paghihintayin ang babae ng isang oras?!

Tumayo na ako at pinagpag ang gown ko. Bahala na! Hanapin ko na lang s'ya kahit hindi ko pa kabisado 'tong lugar na 'to.

Pero ganun na lang ang pagkagulat ko nang lumingon ako.

"Z-ZOIE?!" Oh no!.

FROM NERD TO GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon