P a r t 11

25 3 0
                                    

ZOIE'S P.OV

S-si Federico?! Bak-kit s'ya nandito?! Wag mong sabihin?!......

"ZOIE! BAKIT KA NANDITO?! ANONG GINAGAWA MO DITO?" Gulat na gulat n'yang tanong pero hindi ako sumagot. Magpapanggap na lang akong hindi ko s'ya kilala dahil hindi n'ya pwedeng malaman na ako si ZOIE!.

"A-ah s-sino ka? Have we met before?"Pagsisinungaling ko.

"Ako to! Si FEDERICO! Hindi mo ba ako natatandaan?!" Frustated n'yang tanong.

Sorry Federico pero hindi mo talaga pwedeng malaman na ako si Zoie.....

"Sorry pero hindi kita kilala. Siguro kamukha ko lang yung sinasabi mong Zoie pero Stella! Stella Harper ang pangalan ko." Sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay para makipaghandshake.

"Hindi pwede! Ikaw si Zoie! Nagbago man ang postura mo pero hindi mo mababago ang gawi mo!" Pagpupumilit n'ya sa akin.

"S-sorry ta-lag—"

"Oh Federico my little brother hindi ka parin nagbabago. Pinipilit mo parin ang mga bagay na hindi pwede. Tsk. Tsk. Long time no see bro." Biglang singit ni Aiston. Habang suot suot na naman n'ya ang kan'yang nakakalokong ngisi idagdag mo pa ang gulo at medyo gusot nitong tuxedo mukhang kagagaling lang sa halikan session well wala naman akong pake, wala nga ba?

"Anong pakulo na naman ba 'to ha AISTON?! Bakit pati si ZOIE DINAMAY MO DITO?!" Galit na sabi ni Federico.

"I told you SHE'S NOT ZOIE! SHE'S STELLA HARPER AND SHE'S MY FIANCÉ!" Galit at may diing sabi ni Aiston.

Hinila n'ya ako at huminto sa may gilid ni Federico.

"Back off 'cause she's mine." Bulong nito sa tenga ng kapatid sabay bunggo sa balikat.

She's mine...
She's mine..
She's min..
She's mi..
She's m

Patuloy na nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ni Aiston. She's mine? Huh?! She's mine kasi may kontrata kami! Ano kaba Zoie! Wag kang kiligin dyan!

W-wait!?

Anong sabi n'ya kanina LITTLE BROTHER?!

So ibigsabihin magkapatid sila?! WTH?! Pano na yan?! LAGOOOOT AKOOOO!!!!! WAAHHH PAHAMAK TALAGA SI AISTON KAHIT KAILAN!

"It's time for you to meet my dad and my other brothers."

"Bakit hindi mo man lang akong sinabihan na aabutin ka ng isang oras?! Pinaghintay mo ko ng pagkatagal-tagal?! Hindi mo rin ako ininform na makikipag—" ooppssss muntikan na ako doon kahit kailan talaga dire-diretso tong bibig ko! Arghhhh!

"Na makikipag? Ano? Makikipag ano?" Tanong n'ya. Hindi ko alam kung galit s'ya o ano kasi wala namang ekspresyon sa mga mukha n'ya.

"Wala nevermind! Tara na baka naghihintay na sa atin yang dad mo! Mabwisit pa yon kasi sobrang tagal natin!"  Inis kong sambit.

..........

Makaraan ang ilang minutong paglalakad. Nahanap namin ang sarili namin sa isang malaking pintuan, may dalawang guard. Daming kaekekan. Hayst.

Pinagbuksan nila kami. Wow, ang ganda ng room na 'to! May malawak na lamesa at maraming upuan sa taas may chandelier na pagkaganda-ganda.

Medyo maingay dahil nagtatawanan ang mga lalaki kasama ang mga kadate nila. Sabay-sabay silang napalingon sa amin at biglang tumahimik. Hindi lang pala sila lalaki. Mga adonis. My god! It's getting hot in here!!! Napaliligiran ba naman kami ng ganitong kapopoging lalaki eh hindi ba iinit sa kwarto kahit malakas ang aircon.

Bumulong ako kay Aiston. "Grabe hindi mo naman sinabi na ang ganda pala ng lahi n'yo." Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko sa halip hinila ako sa may upuan. Syempre bilang isang gentleman kuno daw eh s'ya ang naghila ng upuan saka ako umupo. Katabi ko ang isang babae. Dyosa pala. S'ya lang pala ang nag-iisang babae dito kanina. Nakakaintimidate naman napaliligiran ako ng mga magagandang tao. Woohh!!

"Who is this woman?!" Tanong ng dad n'ya. Wow. Galit agad grabe hindi ba s'ya nainform?

"Good evening, I would like everyone to meet my Fiance' Stella Harper." Sabi n'ya habang nakatayo. Syempre tumayo din ako at inabot ang kamay ko sa kan'ya with matching pahalik-halik sa kamay ko masabi lang na napakasweet n'ya.Nice galing talagang magpanggap.

"It's my pleasure to meet you everyone." Sabi ko using my super charming smile..

"Hey Jasmine! Come over here! Did you here what my son said?! Did you hear it?!"

"Yes Sir you heard him right." Sagot naman ng secretary ng dad ni Aiston.

"Oh son! You don't know how happy I am!!!" Galak na galak na sabi ng kanyang dad. Akala ko naman masungit pero hindi pala.

"I also brought my fiancé here dad." Biglang singit ni Federico.

OMYEFFINGOSH NO WAY! PANO NA ANG PLANO?!!!!

FROM NERD TO GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon