Kabanata X (First Half)

918 35 4
                                    

KABANATA X (First Half)

 

 

 

“Ang alam ko talaga si kambal lang ang inaya ko mag-shopping eh. Kailan pa ako nagkaroon ng apat ng kakambal aber?!” Bulalas ni Jane habang naglalakad kami ngayon dito sa loob ng mall. Napangiti nalang ako ng pilit habang pinapatay na ni Jane sa tingin sina Jessie, Elize at Deniese na sinundan pala kami after naming umalis sa school.

“Bakit ikaw lang ang ba ang may karapatan mag-shopping?!” (Eliza)

“Excuse me, FYI I have all the rights to step on this land. O’ english iyon!” (Deniese)

“May date kaya kami dito ni Papa DJ dito!” (Jessie)

Natawa nalang ako habang pinapanood kong magsagutan yung apat. Nakakahiya talagang kasama ang mga ‘to kahit kailan. Tsk.

“Huh?” Nagulat naman ako nung biglang may umakbay sa akin. Pagtingin ko sa kanan ko, nanlaki bigla ang mga mata ko.

“Nung may narinig akong maingay paglabas ng store, kilala ko na agad kung sino-sino ang mga iyon. Tsk.” Sambit ni Kuya Uno. Napatigil naman sa pagsasagutan yung apat at napunta ang tingin sa direksyon namin. Nakita ko naman na parang kuminang ang mata ni Jessie.

“Waah~ Papa Uno~!” Agad namang lumapit sa amin yung malanding bakla. Ito basta kapag gwapo talaga, daig pa si Jane sa kalandian!

“Err... Hi.” Wika ni Kuya Uno sa todo ngiting si Jessie. Naalala ko tuloy yung nangyari nung December nung nagkaroon kami ng Christmas Party sa bahay nina kambal. Ay nako, kamuntikan na talagang halayin ni Jessie itong si Kuya Uno! Walang humpay pa nga ang tawa namin nun dahil hinabol ni Jessie si Kuya Uno sa buong bahay dahil sa dare ni Jane sa Kuya niya na i-kiss sa cheeks si Jessie. Siyempre, alam naman natin na hindi pumayag si Kuya Uno. Kesyo hahalayin daw siya ni Jessie kapag ginawa niya iyon.Kakaibang bakla talaga.

“Pahiram muna si Darling Zy!” Nagulat ako dun sa sinabi ni Kuya Uno saka ko lang na-realize na hatak-hatak na pala niya ako sa braso at mabilis kaming tumakbo palayo doon sa apat. Hindi ko na narinig yung sinigaw ni Jane at ni Jessie dahil mabilis talaga ang pagtakbo ni Kuya Uno makalayo lang sa lugar na iyon.

Na-trauma yata. Bwahaha.

“Teka nga! Bakit ako?!” Tumigil naman ako sa pagtakbo at pinandilatan si Kuya Uno nakangisi lang sa akin. Eh kung hambalusin ko kaya ito? May naiiisip na naman itong kalokohan eh. Sure na sure ako doon!

“Let’s have a date!” Masaya niya pang wika. Naka- na expression naman ako. DATE?!

Bago pa ako makapag-react, hinila na naman niya ako pero this time hawak-hawak na niya ang kamay ko.

(JADINE) A Graduation Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon