Kabanata III

1.7K 59 5
                                    

KABANATA III

 

 

Pakshet. Kung sino man ang Uno na iyon, sisipain ko talaga siya palabas ng earth kapag nagkita kami. Lintek nang iyan, hindi man lang niya ako pinatulog! Kahit isang minuto hindi man lang ako dinalaw ng antok! Hindi kasi mawala sa isipan ko yung mga pinagsasasabi niya sa sulat. Kainis!

“O’, kinagat yata ng ipis ang mata mo Zy? Bwahaha.” Pangt-trip sa akin ni Deniese. Tiningnan ko naman siya ng masama. “E’di kung gusto mo sa’yo nalang. Type mo yata eh.”

“No thanks, masasayang lang yung pinang-beauty sleep ko.”Saka siya tumalikod at bumalik sa upuan niya para makinig doon sa ipod niya. Umupo na nga lang din ako sa pwesto ko at binaon ang mukha ko sa mga braso ko. Kailangan kong matulog, kahit konting idlip lang!

<10 minutes later>

“Psst, psst Zy! Huy, hinahanap ka ni Ace sa labas!” Naramdaman ko namang may kumakalabit sa balikat ko pero binalewala ko nalang iyon. Tulog yung tao eh, kailangan manggulo?

“Sorry, ayaw magising eh. Puyat yata si babae, mamay—“

“No, it’s okay. Ako na ang gigising sa kanya.”

Hay sa wakas tumahimik din ang paligid. Makakatulog na ulit a—*CHUUUP*

“HUH?!”Napabangon ako di oras nung may maramdaman akong malambot na dumampi sa pisngi ko. Teka nga, ano ba iyon?!

Lumingon naman ako sa kanan ko at halos malaglag ako sa upuan nang bumungad sa harapan ko ang nakangising mukha ni Ace. Shet, huwag mong sabihing...?!

“Y-y-you?!” Awtomatiko naman akong napatayo at umatras para makalayo sa kanya. Lecheng Ace iyan, gusto yata akong bigyan ng sakit sa puso!

“Kissing is a really effective way to wake up a person, like Aurora.” Wika ni Ace. Feeling ko naman sobrang pula na ng pisngi ko nung na-realize ko yung pinapahiwatig niya.

“Bastos!”Saka ako naglakad papalabas ng classroom dahil nagsisitinginan na rin ang iba kong mga kaklase. Nako panigurado tsismis na naman ito.

Anong klaseng Valedictorian ito, ang landi!

“Hahahaha!” Rinig kong tawa ni Ace sa likod ko. Madulas ka sana Ace! Langya, kahapon pa siya nang-iinis eh! Napakapapansin talaga! Kalbuhin ko kaya iyon at hambalusin ano?

(JADINE) A Graduation Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon