Kabanata VI

1.4K 46 8
                                    

KABANATA VI

 

 

“Luh, ano na naman ba ito?” Rinig kong sabi nung kaklase ko nung matanggap niya yung papel na inaabot ko sa kanila. Nagpalabas na naman kasi ng notice yung school namin na mamo-move na naman ang graduation namin.

Palagi naman eh, forever nap-postpone. Eh kung huwag nalang kaya kami grumaduate?

“Hala naman! Bakit move na naman! Dati next week, ngayon naman next next week?! Anong klaseng joke ito?!” Sabi ni Marie.

“Zy!! What’s this?!?” Sabi ni Jerek habang dinidikit sa pagmumukha ko yung notice.

“Papel iyan Jerek! Papel! Okay na?!” Pagta-taray ko. Tinalasan niya naman ako ng tingin.

“Malamang papel ito. Magugulat ako kung dahon ito. Pero kasi naman, hindi kasi Jerek! Jessie nga hindi ba?! JESSIE!”

Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kaibigan na bakla? Langya, ang arte talaga ng isang ito. Pigilan ninyo ako, nananapak talaga ako sa bakla.

Kainis kasi, kahapon pa ako badtrip, tapos natanggap ko ang notice na ito kaninang umaga kaya lalo akong nabadtrip. Ano ba naman iyan.

“Eh k—“

“Another notice.” Biglang pumasok naman si Jane na may hawak na isang bundle ng papel. Ano na naman ba ang announcement na iyan? Na next year na ang graduation namin? Anong klaseng school naman ito o’. (Samantalang nung Monday wini-wish ko lang na mamove next year ang graduation. Baka magkatotoo nga! Huwag naman po sana!)

Binasa ko agad yung nakasulat sa papel nung bigyan ako ni Jane.

Dear students and parents,

            Before your child’s graduation, we have decided to hold a retreat next week blah blah blah blah blah

Ang haba haba na ng nakasulat pero yung first sentence lang ang binasa ko. Teka ano daw? Retreat?!

“Wait, what?!” Bulalas ko. Shemay naman o’, bakit magre-retreat pa?! Hindi ba pwedeng graduation na agad? Kailangan may kaartehan pang ganito? Ano ba naman iyan!!!

“Bakit? Ang saya kaya gurl! Sa Baguio! Ohemgee~!” (Jane)

“I second that! Baka may hot gwapings pa doon!” (Jerek slash Jessie)

Ohmygulay, another week ko na namang makakasama ang mga ito!!

Iniwan ko sa classroom na nagdadaldalan yung dalawang babaita doon. Gusto kong pumunta ngayon sa rooftop para magpalamig(literally and emotionally). Hindi ba nga kinausap ako ni Ace kahapon?

(JADINE) A Graduation Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon