Kabanata VII

1.1K 47 8
                                    

KABANATA VII

 

 

Huhuhuhuhu! Alam mo iyon? Napakasaklap talaga ng dinanas ko kanina. Nakakahiya!!! Major kahihiyan itoooo! Tama bang ibalandra ko ang katawan ko sa harap ng crus—este ng first lov---este ni Ace pala!?

Takte, kanina ko pa hinihiling na sana lamunin nalang ako ng lupa.

“Bye Friendships!” Sabi ni Jerek a.k.a. Jessie saka siya nagmartsa palabas ng classroom at hinabol ang crush niyang taga-lower year level. Araw-araw naman siyang nagmamadaling lumabas eh para makita ang lalaking iyon. Mala-slang talaga nung lalaking nagustuhan niya, tsk tsk tsk.

“May aayusin pa kaming Journalism Club, kambal. Mauna ka na ah? Babuu! Mwah!” Sabi ni Jane sabay takbo palabas ng classroom saka ko nakita si Lay nakatayo sa may pintuan na naghihintay sa kanya. Ang sweet talaga ng dalawang ito kahit kailan. Tse, hindi ako naiingit.

Inayos ko naman ang gamit ko sa bag saka ako naglakad papunta sa pintuan. Tumingin ulit ako sa loob ng classroom para tingnan kung may nakalimutan pa ako.

*PLOK*

Anak ng tokwa, ang harot naman ng nagbato ng balloon sa mukha ko.

“Sin—“ Sabi ko nga dapat hindi ko nalang pinakielaman kung sinong gumawa nun. Letse, hindi ko pa rin siya kayang harapin! Matapos ang kahihiyan na nangyari kanina, sinong maglalakas loob magpakita sa harapan ni Ace?!?

“Bwahahaha, ang epic talaga nung kanina Zy.” Pang-aasar nito habang hawak-hawak niya yung lobo na dinikit niya sa mukha ko kanina. Nagpaalam naman siya sa barkada niya habang nilo-lock ko yung classroom namin.

Naglakad na ako palayo sa kanya kaso dahil nga isang dakilang makulit ang lahi ng isang ito, sumabay siya sa paglalakad ko. Tumingin nalang ako sa kaliwa ko para maiwasan mapatingin sa kanya kasi nasa kanan ko siya.

 “O’ galit ka na niyan?” Pangugulit niya. Please Lord, bigyan ninyo po ako ng lakas magtimpi para hindi ko mabatukan ang lalaking nasa tabi ko.

“Tse, manahimik ka diyan.”

“Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa itong galit. Pasalamat nga at hindi kita hinayaang ibalandra ang panget at mataba mong katawan sa maraming tao. E’di sana pahiya ka ngayon at walang mukhang maihaharap sa tao, hindi mo pa makukuha ang medal mo sa stage.”

Awtomatiko naman akong lumingon sa kanya at binigyan ng matalim ng tingin. “ANONG SABI MO?! Panget at matabang katawan?! HAH! Ako ba kausap mo?”

(JADINE) A Graduation Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon