Kabanata XI

768 35 4
                                    

KABANATA XI

 

 

 

Inayos ko na kagabi yung mga gamit na dadalhin ko sa retreat namin sa Baguio. Actually mga hapon ko na siya inayos since kinailangan kong matulog ng maaga kagabi. 4 am kaya ang call time namin! Matagal daw yung byahe kaya ayun, sobrang aga magpapa-assembly.

“O’ ito ang baon at ang tanghalian mo.” Inaabot naman sa’kin ni Manang ang isang maliit na lunchbox. Kinuha ko naman iyon at nilagay sa maliit na sports bag ko.

“Salamat po.” Nakapagbihis na rin naman ako at naimpake ko na ang mga dapat dalhin. Maleta na nga ang ginamit ko since ang dami kong damit na dinala kasi puro pampalit yung iba. Tapos sapatos,tsinelas, snacks, and etcetera blah blah.

“Bye Manang!” Sabi ko saka ako lumabas ng gate at hinila yung maleta ko papunta sa labas ng village. Magii-special nalang ako sa tricycle para makapunta sa school kasi ang hirap naman maglakad na may dalawang bagahe at ang dilim dilim pa. Mahirap na, marami ng loko-loko na nasa tabi-tabi ngayon.

*BEEP BEEP*

“AY LECHE FLAN?! HUH?!” Napaatras ako sa sobrang gulat nung bigla nalang may sumulpot na isang kotse sa harapan ko with matching busina pa na pagkalakas lakas! Ang shet lang, ang sakit sa tenga! Aray ko po!

Hindi niya ba alam na marami pang tulog sa mga oras na ‘to?! UGH!

Sisigawan ko palang sana kung sino ang napaka-expert na driver ng kotseng ‘to nung bumaba yung glass window sa harapan. Mabuti at nang masigawan ko ng maayos yu—“ACE?!”

Halos lumuwa naman ang mata ko. Kahit na madilim at naka-shades ang lalaking nasa driver’s seat ngayon, kilalang-kilala ko ang presence nito. Conceited eh, kaya kakaiba ang hangin na dala. Sanayan nalang siguro. Pero back to the topic, anong ginagawa nito dito sa village namin?!

Ang layo naman na naligaw siya since magkaiba naman ang village naming dalawa. So paano ‘to napadpad dito sa village namin?

“The one and only.” Sabi niya saka taas ng shades niya sa may ulo niya.

“Mukha ka kamong tanga diyan. Aminin mo, hindi ikaw ang valedictorian ‘no?” Prangka kong sabi. Nakita ko naman napakunot ang noo niya at nagulat sa sinabi ko.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo. “What?!” Bulalas niya.

“Sinong matalino ang mags-shades ng alas-tres ng umaga? Pakihanap nga kung nasaan yung araw at paki-explain kung bakit ang dilim please? Duh.”

(JADINE) A Graduation Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon