"Ano ba naman yan Alice Rosario?! Wala ka bang balak magpahinga?"
tanong ni Cyrus nang marating namin ang dulo ng gallery."Ang kj mo talaga ano? Isa pa, hindi pwedeng basta bastang tumigil. Dapat lahat ng sulok ng gallery ay masilayan ko!"
Nakita ko ang pag-iling iling ni Cyrus dahil sa sinabi ko.
Napatingin ako sa isang lalaki na pinapalibutan ng mga tao. Siningkit ko ang mga mata ko at nakita ko ang lalaking dahilan ng pagpunta ko rito.
Si Tobi!
Sa sobrang excitement ko ay agad kong hinigit si Cyrus papunta kay Tobi at nakisiksik na rin.
Kaya lang ,parang wrong move ata?
Nawala ako sa pagkakahawak kay Cyrus!
Lagot! Hindi yun pwedeng basta basta mawala! Baka atakihin yun ng hika nya!
Nasa akin pa naman yung gamot nya...Kung bat ko pa kasi naman sya hinigit dito...
Lumingon lingon na rin ako sa paligid at hinanap si Cyrus...
La? Nasaan na ba yun?
Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan kaya hindi ko namalayang wala na sa aking paligid si Tobi...
'Haist, nawala na nga si Cyrus, di ko man lang nagawang maka papicture kay Tobi' sabi ko sa aking isip.
Naglakad lakad ako at di ko namalayang may nabunggo akong babae...
Napaangat sya sa akin at hindi ko man malaman ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay pamilyar siya sa akin.
"Pasensya na Miss. Di po kasi ako tumitingin sa aking dinadaanan." sabi ko
Ngumiti na sa akin ang babae," Pasensya na rin, may hinahabol kasi ako. Mauuna na ako ha?" sabi nya at agad umalis.
Kahit malayo na sya sa aking paningin, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip.
'Parang nakita ko na sya dati...'
Isinantabi ko na lamang iyon sa aking isipan at nagpatuloy sa paghahanap kay Cyrus.
Bigla akong napatingin sa gilid ko. Isang painting ng isang lalaking umiiyak sa harapan ng isang babaeng puno ng dugo.
Tiningnan ko ang title at ang nakalagay ay 'He who cant accept her sister's fate'At kung hindi ako nagkakakali,ito ang painting na nagpasikat kay Tobi Santiago.
" Hmm, maganda ba?" tanong ng isang lalaki sa aking tabi.
Nagulat ako ng malamang si Mr. Tobi Santiago pala iyon.
Si Tobi ay kung titingnan ay mas matanda sa akin ng tatlong taon, matangkad sya at malinis ang pagkakagupit ng buhok, hindi tulad ni Cyrus na pandak at may kulay pa yung buhok nya.
"Ah, oo, ang galing ng pagkakagawa nyo po Mr. Santiago." ani ko sabay ngumiti ako ng malapad.
Sinuklian nya rin ang aking ngiti at nagsalita, "Drop the formality, Tobi na lang."
Napatango na lang ako
"Alam mo ba, yang painting na yan ay may kwento?"Bigla along napalingon, "Huh?"
"Totoong nangyari iyan. Isang lalakwi na namatayan ng kapatid nang dahil sa isang aksidente" sabi nya sabay ngumiti muli.
Hindi kaya, sariling karanasan nya iyon? Pero sa pagkakaalam ko buhay naman yung nag-iisa nyang nakababatang kapatid?
Narinig ko siyang tumawa ng mahina, "Siguro iniisip mo na nangyari na yan sa akin?"
"Huh? Paano niyo po nalaman?" tanong ko
"Ang dali mo kasing basahin." sabi nya habang umiiling.
Sasagot pa sana ako ng may narinig akong tumawag sa aking likuran.
" A-alice kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?" hinihingal na sabi ni Cyrus.
Agad ko sa kanyang inabot yung gamot niya.
Lagot! Naabutan na nga siya ng hika!"Alice huh? By the way, is he your brother?" tanong ni Tobi.
Napakuyom ako ng kamao, hanggang dito ba naman ay mapagkakamalan kaming magkapatid ni Cyrus?
Humalakhak si Cyrus
"Haha! Hindi po Mr. Tobi. Bestfriend niya lang po ako." sabi ni Cyrus sabay akbay sa akin."Ganun ba? Magkamukha pa naman din kayo."
Napatawa ako ng mahina, "Hindi naman po. Ayaw ko pong magkaroon ng kalook-alike na aso." sambit ko dahilan upang mapatawa kami ni Tobi.
Sinamaan ako ng tingin ni Cyrus. May sasabihin pa sana ako ng may marinig akong nagsalita.
"Tobi, may mga magpapa-autograph sa iyo na VIP, kailangan ka na doon."
Agad tumango si Tobi at humarap sa amin.
"Mauuna na muna ako ha? Tinatawag na ako eh."
Tumango kami at pagkatapos ay umalis na si Tobi
Nagulat ako nang sinundot ni Cyrus ang tagiliran ko.
"Ciacia! Nawala lang ako sandali, nakipaglandian ka na and sa idol mo pang painter! Dalaga na Ciacia ko"Sinamaan ko siya ng tingin.
" Shut up Caicai"Humalakhak siya dahil sa sinabi ko pero napatingin ako ng diretso sa kanya.
Sa kabila ng mga tawa at ngiti mo Cyrus, alam kong may tinatago kang tanging ako at ikaw na lamang ang nakakaalam
![](https://img.wattpad.com/cover/127026669-288-k359722.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Sketches
Misterio / SuspensoSi Alice ay isang babaeng aakalin mong may simple at perpektong buhay. Pero ang totoo niyan meron siyang isang storyang hanggang ngayon ay pinipilit niyang itago at pinipigilang makawala. Paano kung may isa pang dumagdag sa kwento niya na lalong pin...