Matapos namin sa gallery ni Mr. Tobi Santiago, umuwi kami ng kinahapunan.Kung tutuusin ako lang naman talaga ang may gustong pumunta sa gallery ni Tobi.
I'm a Third-year Fine Arts College Student.
Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging isang pintor like my grandfather, unfortunately my parents dislike the idea.
That's why I'm still in Third year.
Nung First year kasi ako, Bussiness Management ang course ko pero I'm not into bussiness kung kaya't nagshift na ako agad ng course.Cyrus is a Bussiness Management student. Unlike me, he's really into business.
'Parehong-pareho talaga sila'
"Ciacia! Let's eat, come on!"
tawag sa akin ni Mama.Bumaba na ako at naabutan kong kumakain si Cyrus kasama nila Mama
" Talaga Caicai? May kadate si Ciacia kanina?" gulat na tanong ni mama.
Tumango si Cyrus, "Opo Tita"
Napakunot ako ng noo.
Lumapit ako kay Cyrus at kinurot ko ito sa tagiliran." Alejandrina Cienna! Ano ba! Bat mo kinurot si Cyrus?!"
napatingin naman si Mama sa katabi ko."Caicai iho, okay ka lang? Masakit ba ang pagkakurot ni Ciacia?"
Napaismid ako. Plastic
Mabait lang naman si Mama sa akin tuwing nandiyan si Cyrus o di kaya sila Tita Esme at Tito Derick, mga magulang ni Cyrus.
Tuwing wala sila, para lang naman akong hangin kung lagpas-lagpasan nila mama.Ewan ko ba, minsan iniisip kong baka si Cyrus ang anak talaga nila at pinagpalit lang kami nung mga bata pa kami pero mabait at mapagmahal naman sa akin noon sila mama.
Sadyang nagbago lang ang lahat nang mawala siya.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
Kung ako may issue sa mga magulang ganun rin si Cyrus.
Laging wala ang parents niya.
Kumpara naman sa amin ay sobrang yaman nila Cyrus mula pa sa mga ninuno nila.Natapos akong kumain nang walang imik. Tatayo na sana ako nang tawagin ako ni Papa.
"Alice, dito matutulog si Cyrus. Doon siya sa kwarto mo matutulog." dire-diretsong sabi ni Papa
"Ano po? Pero may isa pa namang bakanteng kwarto po ah—"
Di ako pinatapos ni Mama na magsalita.
"Makinig ka na lang sa sinasabi ng Papa mo Alice. Isa pa, gusto rin naman ni Cyrus na doon matulog di ba?"Napatingin ako kay Cyrus na may ngisi.
"Oo naman Tita Cienna. Kahit yang si Alice, gusto rin man po niyan."
Tumawa sila mama pero nanatili akong tahimik.
"O siya. Sige, matulog na kayo."
Tumayo na ako at sinimulang ayusin ang mga pinagkainan namin.
"Alice, si Manang Felisa na lang diyan. Samahan mo na si Cyrus."
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang inutos ni mama.
Hinigit ko si Cyrus papunta sa kwarto ko.
Nasa tapat na kami ng aking pinto nang tumigil ako.Akmang pipihitin na sana ni Cyrus ang doorknob nang pinigilan ko siya.
Tiningnan ko siya ng mariin.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" tanong ko.Imbes na sagutin ako ay hinila ako ni Cyrus papasok ng kwarto.
Napatingin ako sa orasan.
8:55
'Ilang oras din pa pala ang aking hihintayin bago mangyari ang isa sa mga kinatatakutan ko'
"How I wish, the time could stop..." bulong ko and it just happened so fast
BINABASA MO ANG
Midnight Sketches
Mystery / ThrillerSi Alice ay isang babaeng aakalin mong may simple at perpektong buhay. Pero ang totoo niyan meron siyang isang storyang hanggang ngayon ay pinipilit niyang itago at pinipigilang makawala. Paano kung may isa pang dumagdag sa kwento niya na lalong pin...