Napamulat ako mula sa aking pagkakagising.
Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog.
Bigla akong napatingin sa sarili ko mula sa salamin.
Bigla akong nanlumo.
"Ang daming bakas..." bulong ko.
Napatingin muli ako sa katabi ko at ngumiti ng matamlay.
"Sana ganito na lang siya palagi. Sana lagi na lang siyang tulog." bulong ko muli at napatawa ako ng mahina at hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha mula sa aking mga mata.
Pinahid ko iyon gamit ang aking damit at napabuntong hininga.
Napagpasyahan ko nang tumayo at naligo ako.
Sinasabon ko ang aking katawan nang bigla akong napangiwi. Napatingin ako sa pinagdapuan ng aking mga kamay. Nakita kong may sugat pala ako sa likod ng aking binti kung kaya't agad ko iyong sinabon kahit mahapdi upang malinisan yung sugat.
Matapos kong maligo ay nilagyan ko agad ng gamot ang aking mga sugat.
Nagbibihis ako nang tumunog ang aking sikmura.
Gutom na siguro ang aking mga alaga sa tiyan.
Lumabas ako ng banyo at nakitang mahimbing pa ring natutulog si Cyrus pero pagalaw galaw na siya.
Bigla akong napalunok at dali-daling bumaba.
Pagdating ko sa kusina ay wala pang tao.
'Tulog pa siguro' sabi ko sa isipan ko.
At dahil gutom na gutom na ako ay dali dali akong nagluto.
"Anong ginagawa mo?"
Kasalukuyan kong binabaliktad ang priniprito kong manok nang may nagsalita sa aking likuran.
Agad akong lumingon at nakitang si Cyrus pala iyon.
Bigla muli akong nakaramdam ng kaba tulad kagabi.
" Nagluluto ng umagahan." sabi ko.
Sasalita pa sana siya nang may isa pang boses na lumitaw.
" Oh, Alice. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na sina Manang Felisa na lamang diyan? Ba't ba ang tigas tigas ng ulo mo?"
"Pasensya na po mama. Nagutom po kasi ako kaagad kaya nagluto na po ako. Isa pa po, mamayang 9:00 pa ang klase ko." sabi and I sighed in relief.
'Thank you Lord dahil alam niyo po kung kailan papalabasin si Mama kahit mainit na naman po ang ulo niya'
Ayaw na ayaw ni Mama na gumagawa ako at siya ng gawaing bahay.
Nung una, akala ko masyado niya lang kaming mahal, yun pala may iba pang rason.
"Ikaw Caicai? Anong oras pasok mo?"
Ngumiti si Cyrus bago sumagot.
"Mamaya pa pong hapon ang pasok ko Tita, pero pupunta po ako ng school ng mga 9:30 dahil may ipapasa po akong project."
Napatango naman si Mama.
"Ganun ba? Pwede mo bang isabay si Ciacia? Sira kasi yung sasakyan ni Alejo ngayon eh."
tanong ni Mama dahilan upang mataranta ako.
" Ahmm Cyrus, a-ano... Wag ka nang mag-abala pa. Ma-commute na lang ako." sabi ko.
Nagulat ako nang bigla akong hinampas ni mama ng hawak hawak niyang pamunas.
Kung iisipin ng ibang tao, aakalain mong pabiro lang ang ginawa ni mama, pero malakas at mahapdi ang pagkakapalo talaga niya.
Napatingin ako kay mama nang bigla siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Midnight Sketches
Misterio / SuspensoSi Alice ay isang babaeng aakalin mong may simple at perpektong buhay. Pero ang totoo niyan meron siyang isang storyang hanggang ngayon ay pinipilit niyang itago at pinipigilang makawala. Paano kung may isa pang dumagdag sa kwento niya na lalong pin...
