Prologue

13 1 0
                                        

Humahangos ang binata habang tinitingnan sa malayo ang kanyang kapatid.. Kanina pa nya ito hinahabol ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ito naabutan...

Tumakbo ulit ang binata at nakita nya ang kapatid nya  na umiiyak sa tabi ng kalsada.

Umuulan ng mga panahong iyon kung kaya't alalang alala ang binata sa kanyang kapatid dahil baka ito ay magkasakit.

Nang naabutan nya ng tuluan ang kanyang kapatid ay agad nya itong sinigawan.

"Ano ba naman yan Teri,ha?! Bat ba galit na galit ka?"
inis na tanong ng lalaki

Lumuluhang humarap sa kanya si Teri,"Tinatanong pa ba yan kuya? Bakit wala ka sa graduation ko? To think na kasabay yon ng birthday ko? Bat ba kuya lagi kang wala?"

Kumalma bigla ang itsura ng lalaki dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.
"S-sorry Teri. Alam mo namang busy lagi si Kuya?"

"Pero bat mo ako sinigawan? Kahit kailan di ka nagalit sa akin!"
Lumayo si Teri sa kanyang kuya at dali-daling tumawid ng kalsada nang hindi  namalayan ni Teri na may papadaang truck sa kanya...

"TERIIIIIIII!!!!!"
sigaw ng kanyang kuya ngunit huli na ang lahat.

Nakita ng binata ang pagtalsik ng kanyang kapatid.

'Hindi... Una sila Mama , ngayon pati ba naman ang kapatid ko?'

Midnight SketchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon