Heto ako ngayon sa library, nagpasama kasi sa akin si Teri. May kailangan kasi siyang gamitin na libro para sa Philippine Literature nila. Ewan ko nga ba kung paano nasingit ang Philippine Lit. sa kanila eh Interior Designing naman ang kuro niya. At pwera sa paghahanap ng libro, kanina ko pa siya kinukulit kung sino yung crush niya." Ate Alice naman eh! Secret nga." At kanina pa din niya akong tinatanggihan.
Nakita kong natigilan siya. Para siyang nakakita ng isang halimaw . Kinulbit ko siya pero nakatulala pa rin ang kaniyang mukha.
Naramdaman ko namang may umakbay sa akin. Paglingon si Cyrus pala. Kinunutan ko siyang noo at saka tinaasan ng kilay. Humarap ako sa kanya at namaywang.
"Umamin ka nga Cyrus? Nag-cutting ka na naman no?" panghuhuli ko rito.
Ngumisi siya sa akin at saka tumango. Linapitan ko naman siya at linagay ang aking mga kamay sa kanyang tenga at saka piningot.napa-daing naman siya pero agad ring tumikom ng pinandilatahan ko siya. Baka mapalabas pa kami ng librarian ng wala sa oras.
Napatingin naman ako kay Teri na tulala pa rin. Pinitik ko ang noo niya at mukha namangbumalik na angkaniyang diwa.
"Oh Alice?May bago ka na namang kaibigan? Wala ka na ngang time sa akin dahi andyan lagi si Minah, meron pang dadagdag ulit para agawin ang atensyon mo?" Madramang sabi ni Cyrus.
Umikot ang aking mga mat. " Cyrus,hindi sa lahat ng oras, kasama mo ako."
Nakita kong gumalaw ng konti ang kanyang bibig senyales na may binulong siya.
Lumingon naman ako kay Teri at hinigit siya papalapit sa amin.
"Teri,meet my bestfriend Cyrus. Cyrus meet my bestfriend Teri." Napansin kong bahagyang namumula ang tainga ng aking bagong kaibigan habang ang aking kababata ay parang hari kung itaas ang kaniyang baba.
Narinig kong sumipol si Cyrus. "Ciacia, mauna na muna ako. I justcame here to check on you. I'll be going." Sabi niya sabay tapik sa aking balikat.
"Ano ako? Bata?" Bulong ko sa aking sarili. Narinig ko namang may maliit na tili sa aking tabi at napatingin na akokay Teri na nagpipigil ngumiti.
Don't tell me....
" Oh my goodness Alice! Bestfriend mo pala yung crush ko! Why didn't you tell me" Pabulong niyang sigaw sa akin.
" Una sa lahat, hindi mosa akin sinasabi ang crush mo kaya di ko rin sinabing bestfriend ko ang crush mo. Ikalawa, anong nakita mo sa lalaking yon?" tanong ko
She looked at na parang ang mga mata ay may pinapahiwatig na 'You're Impossible' Napansin ko namang para siyang nabalisa.
" Ahm Alice I just wanna ask you, do you like your bestfriend?" Hindi na ako nagulat ng magtanong siya sa akin. Imbes na sagutin ang katotohanan ay umiling ako.
Ngumiti naman siya sa akin. "Good. Can you... Ahm, you know?"
Napangiti naman ako. "Gusto mong ilakad kita?" tanong ko pabalik.
Nasilayan ko nman ang isang masayang ngiti sa kanyang mga mata at labi.
"Really?! You'll do that for me?" tanong niya na nasisiyahan.
Ngumti ako ng matamlay bago tumango.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
" Thank you Alice! I owe you a lot!"
Napatingin naman ako sa binata sa aking tabihan at doon ko na napansin si Cyrus na masama ang tingin.
Patawad Cyrus. I know you'll be happy with someone else. And I also know you're just doing this for revenge.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N Short Update for today guys!
BINABASA MO ANG
Midnight Sketches
Mystery / ThrillerSi Alice ay isang babaeng aakalin mong may simple at perpektong buhay. Pero ang totoo niyan meron siyang isang storyang hanggang ngayon ay pinipilit niyang itago at pinipigilang makawala. Paano kung may isa pang dumagdag sa kwento niya na lalong pin...