"Alice hanggang anong oras ang klase mo?"
tanong ni Cyrus."3:30, bakit?" tanong ko pabalik.
"Wala lang. Sumabay ka na sa akin ha? 4:30 lang naman ang tapos ng klase ko."
Aangal sana ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko.
"Alice!"
Napalingon ako at nakita kong si Minah pala ang tumawag sa akin.
"Minah! Kay Sir Franco din ang klase mo ngayon diba?" Nakangiti kong tanong.
Ngumiti rin siya at tumango.
Pero bigla iyong napawi nang makita niya si Cyrus sa likuran.
Gulat siyang napatingin at kumamot pa ng ulo bago nagsalita.
"Ay! Oo nga pala Alice! Pinapatawag ako ni Ma'am Osorio, yung terror na history teacher ng Secondary? May bagsak daw kasi si Paolo."Napatango ako.
"Laging bagsak si Paolo no? Kung sabagay may pinagmanahan." Ngisi-ngisi kong sabi.Ngumuso siya at pinalo niya ako.
"Kahit kailan, ang sama mo sakin!" Kahit pinapalo palo niya ako ay tumatawa siya.Napatigil siya nang tumingin siya sa likod ko.
"May problema ba Min?" tanong ko.Umiling lamang siya at ngumiti ng matamlay.
"Masama lang pakiramdam ko."
Napailing ako."O sige! Una na ako Alice! Baka magalitan pa ako ni Ma'am Osorio eh! Bye!" Sigaw niya papalayo.
Naalala ko dati nung ginalitan kami nung teacher na yun dahil nahuli niyang nangongopya si Minah sa akin.
" So, hihintayin mo ako ha?"
Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.
Sa kalibangan ko sa pakikipag usap kay Minah ay nalimutan kong kausap ko pa nga pala si Cyrus.Nahihiya ko siyang nilingon.
"Sige,pagkatapos ng klase mo puntahan mo ako sa library okay?" sabi ko.
Bago pa man siya sumagot ay kumaripas na ako ng takbo.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng nadooon na pala si Sir Franco.
"Sorry Sir I'm late." magalang kong sabi.
Lumingon sa akin si Sir.
"It's okay, besides it's your first time to be late in my class and you also politely apologized. You may take your seat."
Umupo na ako sa upuan ko at nagulat ako nang makita kong nakaupo na rin doon si Minah.
Kinulbit ko siya at tinaasan ng kilay.
Sinenyasan na man niya ako.
Siguro nakasalubong na niya si Sir Franco at wala na siyang ibang choice kundi bumalik sa klase."Okay, class dismissed."
sabi ni Sir Franco kung kaya't nag-ayos na kami ng gamit.Lumabas na kami ni Minah at sabay kaming pumunta ng school garden kung saan pwedeng gawing pwesto upang kumain.
Unlike us kasi na may kaya sa buhay kahit papaano, si Minah ay isang mahirap lamang.
Namatay ang papa niya noon nang dahil sa aksidente sa pagdadrive sa amo nito.
Ang nanay naman niya ay sakitin kung kaya't wala itong makuhang permanenteng trabaho.Ngunit kahit ganun pa man, ginawa ni Minah ang lahat upang mapag-aral niya ang sarili nito at si Paolo.
Minsan ko na nga rin siyang inalok na ako na lang muna magbabayad ng tuition niya o kaya ay nung kay Paolo pero tumanggi agad siya.
Kaya ang tanging maitutulong ko na lang sa kanya ay ang samahan siya sa pag kain dito sa garden.
Sa cafeteria kasi ay sobrang mamahal ng mga pagkain.
Kahit ako ay nalulula tuwing tinitingnan ko ang mga presyo."Alice, gusto mo? Niluto iyan ni mama." alok sa akin ni Minah.
Bigla akong ginanahan.
Tinikman ko ang ginawa ni Tita Men."Ang sarap talagang gumawa ni Tita ng adobo Minah."
sabi ko habang ngumunguya.Tawa naman ng tawa si Minah dahil para daw akong baboy kung kumain.
Napanguso tuloy ako.Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Napatingin ako at may nakuha pala akong text galing sa club president namin.
"Club duties Min. Mauna na muna ako ha?"
sabi ko kay Minah.Tumango na lang si Minah dahil masyado siyang abala sa pagkain.
Pumasok na ako sa clubroom
ng Theater Club.
Kaming mga Fine Arts students kasi ay bawal sumali sa Arts Club kasi gusto din naman daw nila na may maenhance kaming talent pwera sa pagpipinta and such.Pagpasok ko ay may iilang miyembro na ang nadoon.
At bilang Club Secretary,ako ang nagpalibot ng attendance.
Napailing na lamang ako dahil parang mga Hogh School Student kung umasta ang ibang members.
May nang-aagaw ng ballpen, may naglalandian, may nakikipag-unahan sa attendance.Napabuntong-hininga ako.
" Napalibot mo na ba ang attendance?"
Tanong sa akin ng Club President na si Lardon.Istrikto si Lardon lalo na pagdating sa Club duties, pero hindi niya ako prinepressure dahil hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako.
Ngiwing tumango ako sa kanya.
Tumango rin siya at sumenyas na magsisimula na ang meeting.Makalipas ang sampung minuto ay may isang babaeng pumasok sa pinto.
Nakita kong napataas ng kilay si Lardon. Ang pinaka-ayaw pa naman din niya ay yung pag may nalalate.
"Who are you Miss?"
tanong ni Lardon sa babaeng kararating lang.Napataas rin ng kilay yung babae at tumikhim bago nagsalita.
"I'm Teresa Santiago, an Education Student and I'm new in this group. You can just call me Teri by the way."
Biglang nanlaki ang mga mata ko!
Teri? Santiago? She's the sister of Tobi Santiago!
sigaw ko sa aking isip."A newbie huh?" ngisi-ngising sabi ni Lardon.
"Well then, you're lucky that you are only a newbie. Well, I just want to tell you that I hate late comers. Keep that in mind." pagpapatuloy ni Lardon.
Humingi ng paumanhin si Teri at umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi.
Naririnig ko pa siyang sumasabi ng 'Ang yabang naman' at kung ano pa.
Napatawa naman ako ng mahina. Napatingin siya sa akin at sinenyasan ako na wag akong maingay.
Binigyan ko siya ng Thumbs-up.Humarap ulit siya sa akin at naglahad ng kamay.
"Ako nga pala si Teri,Teri Santiago." sabi niya habang nakangiti.Tinanggap ko naman ang kamay niya at nginitian rin.
"I'm Alice, Alice Rosario."~~~~~~
"Meeting adjourned."Hindi ko na pala namalayan na tapos na pala ang meeting.
Buti na lang at kahit papaano alam ko na yung ididiscuss ni Lardon ngayon kaya may mailalagay naman ako sa minutes.
" Bye Ate Alice!"
Kaway sa akin ni Teri at umalis.Napangiti ako.
'Mukhang may bagong friend ako ha?'
BINABASA MO ANG
Midnight Sketches
Mystery / ThrillerSi Alice ay isang babaeng aakalin mong may simple at perpektong buhay. Pero ang totoo niyan meron siyang isang storyang hanggang ngayon ay pinipilit niyang itago at pinipigilang makawala. Paano kung may isa pang dumagdag sa kwento niya na lalong pin...