Chapter 5

383 11 0
                                    


Keith's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at humiga sa kama ko.Pakiramdam ko talagang magkakalagnat ako ngayon.Sobrang bigat talaga ng katawan  ko at parang nahihilo ako kapag  ako'y tatayo.

Sinabihan ko na si Dein na hindi muna ako papasok ngayon kasi masama ang pakiramdam ko.Buti naman at ginawan niya ako ng excuse letter.

"Ate! May naghahanap sa iyo sa ibaba!! "sigaw ni Keilh. Anak ng! Sa pagkakaalam ko hindi naman ako bingi
Aba! Distorbo 'tong si Keilh. Nakakainip! Bwesit!

"Wag mo yan buksan! Kundi talagang malilintikan kita! "Sigaw ko sa kanya habang nakapikit ako.

"Too late big sis. Nakapasok na ako sa kwarto mo. "Binuksan ko yung mga mata ko at nakita ko si Keilh na nakasandal sa pintuan.

Napabugtong-hininga na lang ako sa inasal niya. Kala mo siya yung mas matanda sa akin .

"Sino ba yung na sa baba?! "Iritado kong tanong sa kanya at biglang may dumating na anino.

"Him. "Tipid at walang kaemo-emosyong sabi ni Keilh.

Biglang lumapit yung anino sa kama ko at nanlaki ang mga mata ko na may pumasok na halimaw.

"Kamusta ka na Kei---"hindi ko na siya pinatapos pa.

Bigla akong napaupo at "Gravim Craige Lians! Anong ginawa mo rito!?"napasinghal nalang ako sa inis.Bakit siya pumasok sa kwarto ko. Eh ni-isang boyfriend ko nga hanggang Guest room lang o di kaya sa sala, comfort room, at kusina lang sila nakaapak. Ayokong may lalaki ang makaapak sa kwarto like yuck! Makaapak lang ang isang lalaki rito kung fiancé ko na siya. Pero si Gravim? He's not my fiancé neither crush nor boyfriend.

"Kailan pa bang isigaw mo ang pinakagwapo kong pangalan."sinamaan ko siya ng tingin ng sabihin niya 'yon at inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa niya.

"Uh-ate mauna na ako at Ikaw! "Tumingin siya kay Gravim na maawtoridad at biglang kumindat sa kanya. Wahhhh! Ano yun?! Sila na ba ng kapatid ko?! Jusko! Grade 6 pa si Keilh at si Gravim seni---Nako!nagpapahiya lang yan ng pamilya namin.

"Oy! Oy! Ano ang ibig sabihin ng kindat-kindat na yan? Aba!gusto mo talagang malilintikan at mapuputakan?! "Nagflying-kiss lang si Chry sa akin at kumuripas na siyang tumakbo. Hay! Bat ba binigyan ako ng kapatid na ubod ng maluwag na turilyo sa utak at daig pa ang mga taong nasa mental hospital?
"At ikaw! B'at ka nandito?At bakit ka kinindatan ng kapatid ko? Kayo na?!Tongina! DOON KA NA LANG SA MGA BABAENG SECONDARY! BAT BA ELEMENTARY PINATULAN MO PA?! "napahawak nalang ako sa sentinido ko. Lalong sumakit yung ulo ko na iniisip ang mga pangyayari idagdag ko pa yung relasyon na namamagitan sa kapatid at sa halimaw ko na kaklase tapos magpapakasal sila tapos----Aish! Mukhang eexplode na tong utak ko. Mas mabigat pa 'tong problema kaysa sa mga problem solvings sa Math.

"Hey Keith just chill..."sabay lapit niya sa akin at may calm gesture pa siyang nalalaman na ikaka-inis ko pa lalo.

"CHILL?! HINDI KA BA NAGBIBIRO?! BA'T AKO MAGCHICHILL KONG KAYO MISMO NG KAPATID KO AY MAY RELASYON?! ABA! LANGYA KA PALA EH! HABANG MAAGA PA LAYU---"he cuts my words. Bat ba pinutol niya? Alam na ba niya yung sasabihin ko na layuan si Keilh at hindi niya yun gagawin? Magproprotesta ba siya kaya ininterupt niya ako?!

"Ewan ko sayo Jammy kung ano ang pumasok sa utak mo at naisipan mong may relasyon kami ng kapatid mo na elementarya pa lamang at ano ako?! Abosado?! Eh dapat nakakulong na ako ngayon kapag may relasyon kami ng kapatid mo. Child abuse na yung ginawa ko eh."walang kurap niyang sambit. Aba! May gana pa siyang sumambat.Hindi ko na, siya nilingon at humiga na ako sa aking kama sabay taklob nung kumot tiyaka tumalikod na lang ako sa kanya at ipinikit ko na lang yung mga mata ko.

GIRFALYSYLUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon