Chapter 6

346 8 2
                                    


Keith's POV

Agad akong kumiripas ng takbo papalabas ng bahay dahil talagang nahuhuli na ako sa first class ko.

Kasalanan kasi  'to nila Nachi at Dachi.Aba! malay ko ba'ng papagurin nila ako ng pinanood naming movie kagabi sa bahay namin.

Hindi na ako magpapaalam pa kay Kuya kasi hindi naman yun umuwi simula kahapon kasi nagOOJT ang kuya kong OA tapos si Keilh hindi na rin ako nagpapaalam pa. For What?

Lumipas ang isang linggo at dalawang araw medyo naagapan na rin ako pero may band-aid lang akong nilagay sa gilid ng kilay ko ,dahil wala lang.

♪That's why I love you ♪

♪That's why I love you ♪

Those words keep repeating on my mind! Ugh masyadong binig deal ng utak ko yung linyang kinanta ni Skie. Kahit noong nakaraang linggo pa niya yun binanggit

Umuwi raw si Gravim ng madaling araw(Talagang hindi ko alam kasi nadeads na yung katawan ko.) Sabi ni Nay Yana. Nag-aabala raw siya kasi sa kwarto ko raw natulog si Gravim sa may sahig baka daw may mga pangyayaring hindi nila gustong maganap pero syempre joke lang yun. H'wag niyo masyadong seryosohin.

Yun na nga, nung nakatulog na raw ako nagpapaalam na daw si Skie na umuwi na,sabi nga ni Nanay na doon muna raw siya sa Guest room magpapalipas ng gabi pero tinanggihan ni Gravim kasi gusto niya rawng umuwi .Nawewerdohan nga ako eh,noong pauwiin ko na siya gusto niyang magstestay pero nung inembetahan siya ni Nanay na dito na matulog tumanggi naman siya.Wierdong Halimaw.

Noong nakalilipas na araw ay medyo wala kaming klase. Minsan nga lang maglelecture si Maam Gue at ang iba pa naming sub. teachers kasi palaging silang pinapatawag ng head kasi may emergency meeting raw. Kami namang mga pekeng studyante kunyari nadidismaya kami pero deep inside kulang nalang kung may magthothrow party at sobrang saya namin daig pa ang nanalo sa isang sports at nanalo sa lotto.

Napagdesisyonan kong maglakad nalang dahil hinangal na ako at nadatnan ko si Dein sa may kanto kaya sabay na kaming pumasok sa aming paaralan.

Umupo na kami ni Dein sa aming upuan at maya-maya pumasok na ang aming sub. teacher sa MAPEH subject namin.

"Class as what I have told you last second quarter, you will have a caroling contest for the music. Dapat nga noong December pa to pero dahil sa nakalimutan ko at mabuti na nga at natatandaan ko pa kaya you will present it on next next Monday"Whew! Buti talaga at mabait 'tong si Mrs. Gue kung hindi pa lang parang noon ko pa to itatatrash-talk at baka tinakasan ko na siya noon pa. "Your criteria will be this. Content of a song kasali na yung mga kantang kinompos na ng mga singer ay 50%.There should be only 3 songs na kinanta ng mga singer at 3 or above naman yung kinompos niyo. Choreography 25% and the instruments o di kaya yung paggamit ng inyong mga kamay o paa ay 10% at sa costume ay 15%"Say What?! Jinja! Bat ba?! Akala ko hindi siya gaanong kabigat sa looban? Ano ba 'to Mrs. Gue? Naglolokohan po ba tayo rito?

"By the way class, this will be by group"lahat ng mga kaklase ko napa"Yes! Ang ganda mo talaga maam! ","Mabuti na rin po yun maam sobrang sentonado ho ako eh! "Psh! Ang liit naman ng ikakasaya nila -_-"This will be your groups,
Group 1 Buero, Lee, Jemida, Castro, Buena Vera, Pangaline, Gallero at Parkin. Group 2 Maras, Binad, Kai,Kang, Min, Lians, Jabero at Vadian. Group 3 Dalib, Uy, Grena, Teonh, Narina, Juan De Villa, Drelib, at Anita. Group 4,Boao, Dag-ao, Grejedan, Helita, Manligez,Ne de Val, Petea, at Yu. And for the last group which is group 5,Allero, Cateyan, Calilao, Deniben, Egreda, Eurojenerenetero ,Herdara at Urena"napatingin si Mrs. Gue sa kanyang relos at ito yung gusto kong linya niya"There is 30 minutes left at pwede na kayong magpractice. That's all for today Goodbye class"kanya-kanya kaming nagsitayuan at hindi na kami nag-aabalang maggogoodbye ni Mrs. Gue.Magpapaalam lang naman tayo kapag hindi na tayo magkikita-kita pa. Di ba?

GIRFALYSYLUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon