Chapter IV

2.2K 94 11
                                    

Achilles

It has been an hour nang huli ko siyang makita. My mate. My mate is a man. But why? What did I do to deserve this? To add with that, he's a human. I couldn't smell any trace of a wolf from him so I know for a fact that he's a human. I closed Logan off since he's been whining and growling at me. Telling me how stupid I am for not claiming our mate already. He also threathed me when I told him about the rejection. 'You'll die if you reject him. I'll kill you if you reject my mate Achilles!', that's what he said before I closed him off para naman mapahinga ang isipan ko. A knock on my door snap me out of my trance. Agad ko din namang pinayagang pumasok si Katherine sa opisina ko.

'Sir, shall I send the other applicants home and tell them na ire-reschedule na lang din ang interviews nila?', tanong nito sa akin. Pagkadating ko sa opisina kanina, agad akong nilapitan ni Katherine informing me na kanina pa pala naghihintay ang first two applicants na kailangan kong interview-hin. I instructed her to send them home and just have their interviews rescheduled. And for an hour, nagkulong lang ako sa opisina ko, doing nothing, tulala at nag-iisip. Mayroon pa nga palang 3 applicants na natira for interview para sa araw na 'yun.

'No. We'll do their interviews today. I'll just get ready. Are there already outside? ', since wala naman akong nagawa kung hindi tumunganga sa opisina kanina pa, I decided na ituloy na lang muna ang interview ng pending applicants. I just hope na somehow, my mind would be on ease. But then again, who am I fooling? The issue is my mate and my mind would never be on ease.

'Yes Sir, I'll just send the first one in after 10 minutes. Thank you Sir', huling sabi ni Katherine at lumabas na ng opisina ko.

--------------------------------------------------

Eros

Ahmmm, weird. Bakit naman ganun siya makatingin sa akin? Ahmmm, naku! Baka may dumi 'yung mukha ko. Hindi pwede 'yun. Kailangan presentable ako sa interview para naman palarin ako at matanggap. Saan nga ba ang CR nila dito? Napakalaki naman kasi ng building na 'to eh. Sakto namang may malapit na janitor kaya nagtanong na din ako. 

'Hello po!', bati ko sabay ngiti. 'Pwede pong maitanong kung nasaan 'yung CR dito?'

'Ah, nakikita mo 'yung daanan na 'yun, iho?', tanong ni ate janitor habang may tinuturo. Tumango naman ako bilang tugon sa kanya kasi nakikita ko naman talaga.

'Dumaan ka diyan tapos kumaliwa ka. Makikita mo doon 'yung CR', pagpapatuloy ni ate janitor.

'Maraming salamat po Ate!', masigla kong pasasalamat sa kanya at agad na tinungo na 'yung CR. Agad ko namang narating 'yung pupuntahan ko. Grabe lang! Sobrang laki naman ng CR nila dito. Parang kuwarto na namin ang sukat eh. Wala namang dumi 'yung mukha ko pagkatingin sa salamin.

Pero bakit naman kaya titig na titig 'yung lalaki sa akin kanina? Ahmmm, weird. Pero mas weird kasi naaamoy ko siya kanina. Pero his smell is somehow different. Parang amoy forest, vanilla and rain. Sobrang sarap malanghap. Paniguradong mahal bili niya sa pabango niya. Saka mukha namang afford niya kasi posturang postura siya. Akala ko nga siya may-ari ng kompanya na 'to eh. Hmmmm, siya nga kaya? Pero baka hindi naman. Hindi naman siguro basta basta na lang makikita ang may-ari ng malaking kompanya na ito.

Teka, baka ma-late na ako sa interview ko. Agad agad ko ng inayos ang sarili ko habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin. Tinungo ko na 'yung elevator at sumakay dito. Nasa 43rd floor 'yung pupuntahan ko. Sobrang taas naman. Kung hagdan ginamit ko, panigurado sobrang nakakapagod 'yun. Hays.

Bumukas ang elevator sa floor na sadya ko. Ako na nga lang tao dito eh. Lahat ng kasabay ko kanina nauna ng lumabas. Teka, ba't parang isa lang naman ang kuwarto dito sa floor na 'to? Pagkalabas ko kasi sa elevator, isang malaking glass door na agad bumungad sa akin. Hindi naman ako makakapasok kasi may lock at kailangan ng access ID para makapasok. Eh wala naman ako noon. Mag-aapply pa nga lang ako eh. Wala din namang guard na bantay sa pinto.

The Billionaire's Mate (BoyXBoy)Where stories live. Discover now