Chapter VII

2K 85 6
                                    

Eros

Bago pa man sumikat ang araw, ay gising na ako at naghahanda. First day ko ngayon sa trabaho. First day bilang secretary ni Sir Achilles. 'Di ko maipaliwanag 'yung saya na naramdaman ko nang tawagan ako ni Ma'am Katherine noong isang araw, to inform me, na hired na ako at magsisimula na ako ngayong lunes. Sobrang saya ko, dahil sa wakas, kahit papaano ay 'di na kami masyadong mamomroblema kung saan kami kukuha ng panggastos ni Kuya para sa pang-araw araw.

Ngayon nga ay naghahanda na ako ng almusal namin ni Kuya, though alam kong hindi siya makakasabay ng kain sa akin dahil late na siyang natulog dahil sa projects para sa school na tinatapos niya. Ipagtatabi ko na lang siya sa lamesa para kakain na lang siya mamaya.

Itlog, hotdog at talong lang ang inihanda ko para sa almusal. Isinangag ko din ang natirang kanin namin kagabi. Agad ko na ding inihanda ang gagamitin ko sa pagligo maya maya bago nag-almusal.

'Brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr', unang buhos pa lang ng tubig, giniginaw na ako. Sobrang lamig ng tubig, isabay pa ang medyo malamig na panahon. Nakatapos din ako ng paliligo at nagbihis na.

'Ahmmm, may nakalimutan pa ba akong dalhin?', pagkausap ko sa sarili. Chineck ko ulit ang bag ko at mukhang dala ko naman na lahat ng kakailanganin ko. Kaya naman ini-lock ko na ang pinto namin. Nag-iwan na din naman ako ng note kay Kuya na nakahanda na ang pagkain sa mesa.

-------------------------------------------------- 

Nakarating din ako sa building ng Grovene Empire. Sobrang ganda  talaga dito, 'di ko pa din maiwasang mamangha kahit pangalawang punta ko na dito. Sobrang ganda ng interior design. Panigurado akong mahal ang binayad sa nagdisenyo nito. I mean, isang bilyonaryo si Sir Achi eh. Achilles Tyle Grovene. 

Noong nagresearch ako about sa Grovene Empire, hindi ko man lang nakita ang picture ni Sir Achi sa internet. Akala ko nga matanda na 'yung CEO at may-ari ng kompanyang ito eh kaya laking gulat ko na mas matanda lang pala sa akin ng anim na taon ang magiging boss ko. Nagkamali ako kasi sobrang, ahmmm, paano ko ba 'to sasabihin? Well, magandang lalaki si Sir Achi.  'Yung matangos niyang ilong, mapupulang labi, 'yung mga mata niyang parang may mga bituin na nangungusap at 'yung baritono niyang boses na nagpapatindig ng balahibo ko tuwing nagsasalita siya. 

Siguro nga, attracted ako sa kanya. Sino ba naman kasing hindi maa-attract sa kanya hindi ba? Pero alam ko naman na hanggang doon lang 'yun at sisiguraduhin kong hanggang doon lang ang kung ano mang attraction na nararamdaman ko sa kanya. Tiyak ko namang imposible siyang magkagusto din sa akin. Panigurado, araw araw siya nagpapalit ng girlfriend niya. Sa dami ba naman ng gusto maging nobyo siya, hindi na ako magtataka tungkol doon. At sa isipang iyon, hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko alam kung bakit, pero parang masakit isipin kung totoo ngang ganun si Sir Achi. 

'Ding!'

Tunog ng elevator na nagsasabing nasa 43rd floor na ako ang pumukaw ng atensyon ko. Nandito na ako. Sana maging maganda ang takbo ng first day ko sa kompanya. 

-------------------------------------------------- 

Hindi ko na kinailangang mag-doorbell pa dahil sinabihan na din naman ako ni Ma'am Katherine na daanan 'yung access ID ko sa reception sa lobby.

'Oh, hi Eros! Good morning!', pagkalingon ko pa lang matapos maisara ang pinto ay bumungad na agad sa akin si Ma'am Katherine. Nakasuot siya ng puting blusa na pinatungan niya ng black na coat habang ang pang-ibaba niya ay paldang kulay black din. Kahit na  2 buwan pa lamang ang pinagbubuntis niya, pansin na din kahit papaano ang maliit na bump sa tiyan niya.

Naikuwento na din ni Ma'am Katherine ang dahilan kung bakit magre-resign siya sa trabaho. At 'yun nga ay ang batang ipinagbubuntis niya.

'Ay, good morning din po Ma'am Katherine', balik bati ko din naman sa kanya na puno ng enthusiasm. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng puting long sleeves at black slack. Naglagay din ako ng necktie pares sa suot kong black shoes. Kailangang presentable ako bilang bagong secretary ni Sir Achi kaya naman bumili talaga ako ng mga bagong damit kahapon. Kinailangang ko pang galawin ang ipon ko para makabili lang pero naisip kong ayos lang din naman 'yun dahil pagkasahod ko, mapapalitan ko din 'yun. Ngumiti naman sa akin si Ma'am Katherine.

The Billionaire's Mate (BoyXBoy)Where stories live. Discover now