Chapter XIII

2.7K 79 46
                                    

Eros

'Uhmmm, anong bang masarap na kainin dito?', tanong ng kasama ko na hindi sa akin nakatingin, kung hindi sa mga nakadisplay na menu ng pagkain.

Nandito na nga kami sa isang sikat na fastfood store na malapit lang din naman sa building ng kompanya. Hindi pa kami nakapila pero nasa may harapan na din naman kami ng counter. Mabuti nga at hindi karamihan ang tao. Kahit papaano ay okay na din palang na-late kami sa lunch, at least hindi punuan dito.

'Masarap 'yung chicken nila dito with Spaghetti. 125 pesos lang siya', I replied habang tinuturo ang larawan ng sinabi kong combo meal. Bigla naman siyang napatingin sa akin. Napalaki 'yung mga mata niya, may mali ba sa sinabi ko?

'125 pesos? As in 125 pesos lang?', 'di niya makapaniwalang tanong. Pinitik ko nga siya sa noo. Pero mahina lang naman.

'Opo, boss. 125 pesos lang. Masarap pa. I mean, masarap din naman 'yung sa kinakainan natin, pero parang 'di talaga ako sanay sa lasa ng mga pangmayayaman na pagkain eh. At least dito, makakatipid ka, busog pa tayo 'di ba?', pagbibida ko pa sa kanya sa fast food na ito.

'Okay. Okay. So, how do I order? I just fall in line tapos? I'll state our order and then ihahatid na lang nila 'yung food, right?', hay naku talaga 'tong kasama ko.

'Syempre hindi. Ibibigay na nila agad sayo 'yung order natin diyan pa lang. Tapos ihahatid mo sa table natin. Kung may pending pa, sila na magsusunod nun.'

'How about the service charge and payment?', tanong niyang muli.

'Hmm, as you order, magbabayad ka na. Teka, may cash ka bang dala?', naalala kong itanong. Madalas kasi ay card ang way ng pagbayad niya sa mga kinakainan naming restaurant.

'Yup. Meron naman', sagot niya habang iwinawagayway ang isang libong pisong papel na kinuha niya mula sa wallet niya. 'Okay, pipila na ako and will order our food. Go on and look for a table na', utos niya sa akin.

'Okay. I'll get spoons and forks na din', pagkatapos nga noon ay kumuha na ako ng utensils at naghanap na ng mauupuan at dahil hindi naman punuan, nakahanap ako agad.

Saglit lang ang hinintay ko at nakita ko na si Achi na naglalakad patungo sa table namin dala ang tray ng mga pagkain. Inilapag niya iyon sa harap ko.

'These look tasty', manghang sabi niya patukoy sa mga pagkain.

'Natural. Masarap talaga 'yan. Kaya kumain na tayo.'

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mapansin kong parang hindi gumagalaw 'yung kasama ko. Magkatapat kami ngayon sa table. Iniangat ko ang ang aking tingin at nahuli siyang nakatitig sa akin. Pangiti-ngiti pa ang loko.

'Huy! Bakit 'di ka kumain diyan? 'Di ba masarap? Saka  bakit pangiti-ngiti ka pa diyan?'

'Ah, masarap 'yung pagkain kaya  lang natatawa ako sayo eh. I remember, I've watched something like bunnies eating tapos punung-puno 'yung cheeks nila, cute', nagkukuwento siya na parang inaalala ang imahe ng napanood niya. At bago siya magsalita ulit, nakipagtitigan siya sa akin. 'Pero 'di hamak namang mas cute ka.'

Bigla naman akong namula sa sinabi niya. May mga time talaga  na ganyan siya, ang hilig bumanat. Naku! 'Pag ako talaga 'di nakapagpigil baka patulan ko 'to. Nag-iwas din naman ako ng tingin at mas piniling kumain na lang. Kahit 'di ko ako tumingin sa direksyon niya, ramdam kong nakatingin pa din siya sa akin habang nakangiti. Maya maya ay narinig ko na din ang paggalaw niya sa sarili niyang pagkain.

--------------------------------------------------

Malapit na kaming matapos kumain nang may mapansin ako sa may labas ng fast food store kung saan kami kumakain ni Achi. Teka! Si Kuya ba 'yun?

The Billionaire's Mate (BoyXBoy)Where stories live. Discover now