Chapter IX

1.8K 88 8
                                    

Eros

Unti-unting lumapit sa amin si Sir Achi. Mabagal lang ang paglakad niya at bawat hakbang na ginagawa niya'y talaga namang nakadadagdag sa nararamdaman kong takot. Wala naman akong ginagawang masama ah? Pero galit pa din ang mga mata niya habang palapit ng palapit sa amin.

Nang makarating siya sa puwesto namin, agad kong hinila ang kamay ko na hawak pa din ni Miguel, out of instinct at pinili na lamang tumingin sa sahig. Sa tingin ko ay hindi ko kakayaning makipagtitigan kay Sir Achi lalo na't grabe ang intensidad na nandoon.

'What are you doing?', malamig niyang turan. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. Para bang nanggaling sa freezer ang boses niya sa sobrang lamig ng pagkakabigkas niya sa bawat salita. Ngunit kahit na napakalamig ng turan niya, mararamdaman mo doon ang nakatagong panganib na hatid nito. Hindi ko man alam kung anong dahilan noon, ayaw kong ako ang makatanggap ng galit niya.

Nagulat naman ako ng biglang magsalita si Miguel.

'Ah, nothing. I'm just introducing my handsome self to this cutie pie right here.'

Iniangat ko ang tingin ko kay Miguel at nakitang sa akin siya nakatingin na para bang ako 'yung pinapatungkulan niya sa nickname na 'cutie pie'. Napatigin din ako kay Sir Achi at kita ang pigil na galit sa mga mata niya habang nagtatangis ang mga ngipin niya. Nakatingin siya kay Miguel at hindi sa akin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil malaki ang posibilidad na hindi ako ang dahilan ng galit na nakikita ko sa kanya ngayon. Maaaring kay Miguel siya galit. Pero bakit naman? Magkakilala kaya sila?

'Well then, Eros has a job and it's not his job to be friends with you', sagot ni Sir Achi kay Miguel. Pero itong lalakin namang ito, pangiti ngiti lang kay Sir Achi. Hindi man lang ba siya nababother sa obvious na emosyong pinakikita ni Sir towards him?

'Oh, why are you so grumpy Achilles? You know I cannot resist introducing myself to beautiful people like Eros, right?', saglit na tumingin si Miguel sa akin habang nagsasalita at binalingan ulit si Sir Achi. Nakaplaster sa kanya ang ngiti na para bang nang-aasar. Ano bang trip ng lalaking 'to? Based sa reaksyon ni Sir Achi, ay lalo lamang nitong pinatitindi ang galit ng huli.

'Shut the f*ck up! Miguel!', matapang na singhal ni Sir Achi. Ibig sabihin, magkakilala nga sila. Tumingin ito sa akin at nagsalita.

'Eros, umakyat ka na sa office. I'll just talk to Miguel', buti naman at mahinahon ang tono na ginamit niya sa akin.

'Okay po Sir', I replied at mabilis na sinunod ang utos niya. Ngunit bago pa man ako makalakad ay narinig ko pa si Miguel magsalita.

'Bye cutie pie! Let's talk some other time.'

Hindi ko na pinagkaabalahang tignan pa ito at dumiretso na sa elevator. Sakto namang bumukas ito at sumakay na nga ako. Bago pa man magsara ang pinto, nakita ko pa si Miguel na nakatingin at nakangiti sa akin. Nagtaas pa ito ng kamay at nagba-bye. Nagflying kiss pa ang loko! Hindi ko na lamang ito pinansin at hinintay na lamang umandar ang elevator.

--------------------------------------------------

Achilles 

Nang makasiguradong nakaalis na si Eros sa lobby, I directed my gaze to this bastard in front of me. 

'What the f*ck is your problem?! Flirting with an employee of mine?' , I told him while gritting my teeth. Though I want to scratch his smirk off of his face with my claws, I'm stopping myself and telling Logan to calm down too. I don't want to cause war between my pack and Miguel's pack, The Dawnguard Moon Pack. 

'Hey! Calm your t*ts Achilles! I'm not doing anything wrong', he answered defending himself. 

'Don't play games with me Miguel. I know what's running in your mind. And I'm telling you to f*ck off and stay away from Eros!', napataas lang ang kilay niya sa sinabi ko. And gave a look as if he's thinking about something. He then made an expression na para bang may nalaman siyang interesting na bagay.

The Billionaire's Mate (BoyXBoy)Where stories live. Discover now