Eros
Mukhang wala pa ata si Sir Achi. Tinignan ko ang wrist watch ko, actually, mas maaga ng isang oras ang dating ko. Siyempre ayaw ko namang magkaroon ng late sa records ko eh kabago-bago ko pa lang sa kompanya.
Naalala ko na naman 'yung kagabi. Unexpected na i-message ako ni Sir Achi. Pero aminin ko man o hindi, nakaramdam ako ng tuwa ng malamang siya 'yung kapalitan ko ng message.
Hindi kapani-paniwala na si Sir Achi na boss ko, na CEO at may-ari ng Grovene Empire, ka-text ko. Parang hindi talaga kapani-paniwala hindi ba? Kahit nga kagabi, hindi ko napigilan ang malawak na ngiti na lumabas mula sa mga labi ko.
Pero kahit na ganun, I still should be very careful. Kung ano mang admiration ang nararamdaman ko kay Sir Achi, dapat panatilihin ko na lamang 'yun hanggang doon.
Kahit maaga pa ay sinimulan ko ng ayusin ang mga pending papers na kailangang i-review ni Sir.
--------------------------------------------------
Pagkatapos nga ng isang oras ay nakarinig ako ng tunog mula sa pinto, senyales na nandiyan na si Sir Achi. Alam kong kailangang nakangiti ako kapag babatiin si Sir pero hindi na ako nahirapan gawin pa 'yun. Dahil malaman ko lamang na nandiyan na siya, hindi maiwasan ng ngiti ko ang paglabas niya.
Pumasok siya suot ang common corporate business attire niya. Napakapormal niyang tignan. Pero panigurado naman ako na kahit basahan lang ang suotin niya, lilitaw pa din ang angkin niyang kakisigan. At sa pagpasok niya sa opisina ay kumalat na naman ang pabango niyang sobrang sarap amuyin. Napatingin siya sa akin at kasabay noon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Lub-DUB, Lub-DUB, Lub-DUB
Para bang iyon na lamang ang tunog na maririnig sa kuwartong iyon habang titig na titig kami sa isa't isa.
'Ahmmm, hey, good morning Eros!', pagbasag niya ng katahimikan. Pagkatapos ay nginitian ako.
'Ah, good morning po Sir Achi', I greeted back and diverted my eyes away from his enticing eyes.
Naramdaman ko na lamang ang paglapag ng isang bagay sa mesa ko. I looked at it at bahagyang nagulat pa nang makita ang isang baso ng kape mula sa isang sikat na coffee shop. Tinignan ko si Sir ng may pagtatanong na mababakas sa mukha ko.
'Ahmm, I was just thinking that maybe you need one to boost your morning', sagot niya na naman. Tapos ngumiti na naman siya. Haaaaaaa! Hindi ba siya titigil sa kakangiti niya ng ganyan? Hindi niya ba alam ang pwedeng maging epekto sa akin ng mga pagpapa-cute niya?
'Nag-abala pa po kayo Sir. But thank you.'
'No worries. Hindi ka magiging abala kahit na kailan', nanindig naman ang balahibo ko sa sinabi niya. Ano bang trip nito ni Sir? Titignan ko sana ang ekspresyon ng mukha niya para malaman kung nagbibiro lang siya pero dagli na siyang naglakad papasok sa opisina niya.
--------------------------------------------------
Mabilis na nagdaan ang mga oras sa araw na 'yun. Nakakapagod pala talagang magtrabaho. Lalo na at secretary pa ng may-ari ng kompanya. Sobrang daming kailangang i-review, mga meetings na i-schedule at mga tumatawag na kliyente para lamang mapagbigyan ng kahit ilang oras para makausap si Sir Achi. Siguro limang beses din ako pumasok sa opisina ni Sir para i-discuss ang schedule niya at ipasa ang mga documents na dapat niyang pirmahan. At sa tuwing nandoon ako, ngingitian niya ako at 'di ko din namang maiwasang mangiti dahil sa pakikitungo niya. Para ngang matagal na kaming magkakilala. Kahit na minimal lang ang naging pag-uusap namin dahil nga sa daming gawain, ramdam ko naman ang warmth niya. Hindi ko alam. Hindi ko nga ma-explain eh kung paano pero may nagbago sa namamagitan sa amin ni Sir Achi. Hindi na kami tulad ng kahapon, na may awkwardness paminsan-minsan.
YOU ARE READING
The Billionaire's Mate (BoyXBoy)
Hombres Lobo'Mate!', Logan, my wolf, shouted in my head. I just stood there, watching him. 'No!' Sabi ko sa sarili ko. Hindi! Hindi pwedeng siya ang nakalaan para sa akin. Hindi ako pumapatol sa lalaki! Bakit? Bakit siya? I was lost in my own thoughts when h...