Achilles
'Maayos naman po ang isinasagawang training sa ating mga warriors Alpha', pagsagot ni Jiro ng tanungin ko siya patungkol sa training ng aming mga warriors.
'That's good to hear. We'll be making some changes pagdating sa pagpapatrol to make sure na walang oras na walang bantay ang bawat borders natin. But we also need to make sure na may sapat din tayong warriors sa pack house', I replied.
'How about your mate Alpha Achilles? I've heard that the caught rogue mentioned about your mate. Nakita mo na ba siya?', Elder Kortan asked. I was caught off guard. Kahit na ba alam kong uungkatin nila ang tungkol doon, hindi ko pa din maiwasang kabahan.
'I... I still don't know who my mate is. Hindi ko pa siya nakikita', with my answered, I can feel Shy's eyes burning holes on me.
'But why did that rogue talk about your mate? Are they just falsely threatening us?', tanong naman ni Elder Adolf.
'That may be the case. But still, we need to be more keen about these rogues. Hindi maaaring makapasok sila sa teritoryo natin', I continued lying. I know that it's wrong but it's the best plan I have on my mind.
Pagkatapos ng usaping iyon ay nagpatuloy pa ang meeting kung saan pinag-usapan ang iba pang issues sa pack, ang paghahandang gagawin to welcome my Mom and Dad and the progress of our territory's expansion.
Kaming dalawa na lamang ang naiwan ni Shy sa conference room. And right at this moment, while he's staring at me, alam ko na ang nais niyang sabihin. Before he can even open his mouth, I cut it out immediately.
'I'm sorry Shy. Jusy trust me with this one. Mate ko siya at gusto kong proteksyunan siya sa lahat ng aking makakaya. I hope you understand', an Alpha saying the word 'sorry' is not a common instance. Lalo na at sa beta niya pa iyon sinabi. But more than being my beta, Shy is also my bestfriend and I understand that he's trying to talk things, out of his concern. He just looked at me na may pang-unawang ekspresyon. With that, I decided na lumabas na din ng kuwartong iyon.
--------------------------------------------------
Eros
Teka, saan na 'yung papeles galing sa Zen Enterprise? Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan lahat ng ingoing documents. Nakita ko na 'yun kanina eh. Kahit maayos namang naka-arranged ang mga documents, medyo mahirap pa din hanapin 'yung specific item na kailangan. Sa sobrang dami ba naman nito eh, malilito ka talaga.
Ang hirap siguro talagang maging CEO and at the same time may-ari ng isang malaking kompanya. Feeling ko nga, araw araw pagod si Sir Achi eh. Ay! Achi na nga lang pala dapat.
Two weeks na ang nakakalipas simula nang magsimula akong magtrabaho dito. At kahit dalawang linggo pa lang, kahit papaano ay gamay ko na ang mga kailangang gawin. Ayusin ang schedule ni Achi, tumanggap ng mga tawag sa mga taong nais magpa-schedule ng meeting sa kanya, tumanggap ng mga ingoing documents and papers na kailangan ko pang i-review bago ipasa kay Achi at madami pang iba.
Pagdating naman sa relasyon namin ni Achi, sobrang bait niyang boss, sa totoo lang. Sabay kaming nagla-lunch araw araw. Sinabihan niya na ako na 'wag tumanggap ng mga meeting request sa oras ng tanghalian para masabayan niya daw ako kumain. Kung saan saang mamahaling restaurant na kami nakakain at as usual, siya lang ang nagbabayad. Kahit i-insist kong hati kami sa bill, binabalewala niya lang palagi ang suhestiyon ko at sasabihan akong okay lang daw 'yun.
Buti nga at this week, napapapayag ko siyang sa fastfood na lang kami kumain para naman makatipid kami, I mean siya lang pala. Alam ko namang sobrang yaman niya. Pero boss ko pa din siya at ayaw ko namang isipin ng na sinasamantala ko ang kabaitan niya.
YOU ARE READING
The Billionaire's Mate (BoyXBoy)
Werewolf'Mate!', Logan, my wolf, shouted in my head. I just stood there, watching him. 'No!' Sabi ko sa sarili ko. Hindi! Hindi pwedeng siya ang nakalaan para sa akin. Hindi ako pumapatol sa lalaki! Bakit? Bakit siya? I was lost in my own thoughts when h...