Written by: Redbutterfly Jasmine
-
Ika apat na hapon, ika tatlumpu ng Oktubre,
makulimlim ang kalangitan, tahimik na nakatingin ang
mga estudyante ng Collegio de Veranza sa grupo ng
mga taong may bitbit na stretcher kung saan may
taong nakahiga at natatakpan ng puting tela.
Halos di mahulugan ng karayom ang katahimikang
bumabalot sa buong paligid. Tanging ang huni ng
panghapon na ibon lamang ang maririnig.
Napayakap sa mga sarili nila ang mga naroroon ng
nanuot sa kalamnan nila ang napakalamig na haplos
ng hangin. Tila baga pinapadama sa kanila ang isang
nakakapanglumong pangyayari.
Nakasunod sa mga nagbibitbit ang isang lalakeng
hilam ang mga luha sa kanyang mga mata na inaakay
ng isang lalakeng naka police uniform mula sa loob
ng function hall ng kolehiyo.
Isang trahedya ang bumalik sa buong collegio at di
maipaliwanag kung bakit sinapit yaon ng isang
taong maganda sana ang buhay na haharapin.
Gaya ng paglubog ng araw at tips bags lumubog din
trahedyang yon at di na sinikatan pa ng araw..
Nanatiling nakalubog sa kahapon at halos di na
Inaalala ng kasalukuyan.
" I'll wait for you in the function hall 2 "
ang nasabi nang college soccer superstar na si
Edward sa kanyang kaklase sa humanities 3 na
partner niya sa isang performance.
" I'll be there in 30 minutes. I just need to
see Prof. Mata." Ang ika naman ng kaklase.
Napangiti ang 20 years old na half Brittish at half
Filipino na binata na may pagkakahawig sa actor na si
Enrique Gil.
Nagtungo ito sa function hall 2.. Ramdam niya ang
matinding pangingilabot dahil nagsisitayuan ang
kanyang balahibo sa katawan pero di na niya ininda
yon..
Natigilan siya ng narinig ang isang tinig mula sa loob
ng function hall na Luna.. Napasilip siya sa siwang sa
pinto ng function hall.
" Beautiful" ang nasambit ng marahan ni
Edward ng masilip ang isang babaeng naka white
Grecian style na damit, nakalugay ang mahaba at
wavey na buhok..May hawak itong gitara..
Tumitipa ito sa gitara sa kantang 'Moonriver.
Napasinghap pa si Edward ng maramdaman ang
bawat salitang binibitiwan ng babae. Pakiramdam
![](https://img.wattpad.com/cover/127122686-288-k322707.jpg)
YOU ARE READING
MES: Trick or Treat
Hayran KurguWill it be trick or a treat? A Halloween special written by MES. Enjoy!