The Burning Fire

570 37 47
                                    

Written by: greenmeadow

-

Taong Isang Libo Siyam na Daan at Siyamnapu't Lima

'Itay CAT ko mamaya.' paalala ulit ni Maymay sa kanyang Tatay bago siya aalis patungong paaralan.

'Okay. Ba't ba paulit-ulit? Alam ko na iyan.'sagot naman ng Tatay niya.

'Dapat ko lang talagang uulitin Tay. Dahil walang Maymay na uuwi dito kapag makalimutan mo.' hirit na naman nito 'Nay paalalahanan mo si Tatay mamaya ha. Umuulan pa naman.' Paalala din sa Nanay niya.

'Sige na ma-late ka pa.' taboy ng kanyang Nanay.

Nagmano ito bago umalis.

Nang nakaalis na si Maymay......

'Iyang anak mo Lorna sobrang matakutin.' saad ng ni Mang Kanor sa asawang si Aling Lorna.

'Ikaw ba naman titira sa lugar na puno ng kababalaghan, sino ang di matatakot?'

'Iyan nga ang kansern ko. Bakit pa natatakot, e halos lahat naman dito nasanay na. Nakita mo ba si Pareng Kanor kahapon?' tanong nito sa asawa.

'Kitang-kita. Ang bait pa naman nun.'

'May mga hindi pala mabait din pala sa mundo nila nuh? Biro mo nagbibisekleta lang bumili ng feeds, umuwi nang duguan.'

'Parehos din iyan sa mundo natin. May mababait. May hindi masyado. At meron ding mga siga.' Sagot ni Aling Lorna.

Paglabas ng bahay ay dumaan muna si Maymay sa kaibigan niyang si Patricia dala-dala niya ang isang malaking knapsack bag na puno ng libro at mga kwaderno... at isa pang malaking bag ng mga paninda.

Pagdating niya kina Pat...

'Aling Diding magandang umaga po. Si Pat? Hmmmn, siyanga pala baka gusto niyo pong bumili ng suman, nagluto po si Nanay. Bili ka na para gagaan naman ang supot ko papuntang eskwelahan. Damihan niyo po kasi peyborit ito ni Pat. Kaya niya pong ubusin ang sampu.' tuloy-tuloy na salita ni Maymay.

Siya si Mary Dale Entrata a.k.a. Maymay, isang third year student sa St. Francis Academy. Panganay na anak nina Aling Lorna at Mang Pablo at may dalawang nakakabatang kapatid na lalaki. Isang babaeng payatot si Maymay na may taas na limang talampakan at pitong pulgada. Madaldal. Negosyante. At kahit na hindi masyadong matalino ay masipag naman mag-aral kaya kahit papaano ay nakakuha ng scholarship sa isang private school na pinamamahalaan ng mga madre sa lungsod ng Makulimlim.

Siya'y nakatira sa baryo Mansanas, isa sa napakalayong bukid ng lungsod Makulimlim. At isa sa lugar na binabalot ng mga kababalaghan.

Magkaklase si Maymay at Patricia nung elementarya pero pagdating ng high school ay nagkahiwalay na, dahil sa public school nag-aral si Pat samantalang sa private school naman si Maymay. Sa totoo lang, mas may kaya ang pamilya nila Pat kaya lang mas ninais na mag-aral sa publiko dahil sa dami ng kapatid. Si Maymay naman, magsasaka ang Tatay niya at ang nanay naman niya ay nagtitinda ng mga kakanin sa elementary school na malapit lang sa kanilang bahay.

Sa tuwing umaga ay magkasabay silang maglalakad papuntang paaralan kasama na rin ang iba pang kaklase nila nung elementary. Sa kanilang magkaklase kasi si Maymay lang ang nakapasok sa private school... kaya struggle para sa kanya ang pag-uwi bawat hapon ngayong third year na siya dahil napabilang na siya sa CAT (Citizens Army Training) na madalas ginagabi ang uwian.

Dahil nakatira sila sa bukiring bahagi ng kanilang lungsod, lalakarin nila araw-araw ang halos tatlong kilometro paparoon at tatlong kilometro pabalik. Halos pareho lang ang distansiya ng paaralan nila galing sa kanilang bahay kaya lang nasa lungsod ang kay Maymay, samantalang nasa mas bukiring bahagi pa ang kina Pat. Maghihiwalay lang sila sa kabilang baryo kung saan ilang metro lang sa sinasabing lugar kung saan naturingang doon madalas nagpapakita o nagpaparamdam ang mga hindi pangkaraniwang mga nilalang.

MES: Trick or TreatWhere stories live. Discover now