Written by: yellie_1927
-
"We will remain lost, wandering souls until we can look each other in the eye and smile" ― Marty Rubin
-oOo-
...habang naglalakad papunta sa kwarto upang kunin ang mga gamit, nahinto na naman siya sa katabing kwarto. Kanina pa niya nirereklamo sa frontdesk na may umiiyak sa katabing kwarto magmula pa kagabi. Pinapacheck niya baka kasi may problema yung guest pero sinabihan siya na ililipat na lang daw siya sa ibang room. Di niya napigilang ang sarili at sinilip niya ang keyhole ng katabing kwarto baka maaninag niya ang umiiyak. Sa unang tingin niya, puro itim lang ang nakikita nya. Pero pagkatapos niyang kumurap ng ilang beses, napalitan ito ng pula na ikinagulat niya. Dali dali siyang umalis at pumunta sa kwarto para kunin ang gamit.
"Miss, wag mo na lang ako ilipat. I'll check out instead." Obvious sa mukha niya ang pamumutla.
"Right away ma'am."
Pagkatapos makuha ang resibo ay dali-dali siyang umalis sa hotel na tinutuluyan. Habang sa may frontdesk ay naiwang nag-uusap yung receptionist at bellboy.
"Bat nagcheck-out agad si Ma'am? Akala ko ba lilipat siya ng room?"
"Bukas ata third eye ni ma'am. Tingin ko sumilip siya dun sa katabing room niya."
"Eh ano naman ngayon?"
"Eh diba sabi nga may nagsuicide sa kwartong yun. Isang babae na may pulang mata."
Kyaaaaahhhh... Waaaaaaahhhhh...
Sabay-sabay na sigawan ng mga magpipinsang Entrata.
"Shhhhhh. Wag kasi kayong sumigaw. Mapapagalitan tayo nila abuela." Sita ni Dale na siyang may pasimuno ng horror stories nila ng gabing yun. Nasa Casa Entrata silang mag-anak para sa 75th birthday ng abuela nila. Habang busy ang mga magulang nila sa pagluluto sa baba siya naman ang naatasang magbantay sa mga nakababatang pinsan.
"Ate Dale naman kasi. Sabi namin love story. Eh horror kinikwento niyo."
"Kasi naman. Magpapakwento kayo, dun pa sa wala namang lablayp." Sabat ng kuya Vincent ni Dale na pumusok pala sa kwarto. Nasa attic sila nagkikwentuhan at dahil sa medyo dimmed ang setting nila, naiisipan niyang horror ang ikwento.
"Wow kuya ha. Nagsalita. Wala ka rin naman gf ngayon ah."
"Ngayon. Eh ikaw? Kailan ka ba nagka-bf? Diba NBSB ka."
Nagsitawanan ang mga pinsan nila sa pag-aasaran nilang magkapatid.
"Aray! Pag-ako talaga nagka-boyfriend, who you kayo lahat sa akin."
"Naks. Marami pa siyang pagdadaanang mga kuya mo oi. Baka magmadre ka na niyan."
"Ewan ko sayo. Bat ka ba kasi andito? Ikaw naman kinakantsawan nila kuya Nikko sa baba no?"
"Pinapasabi ni mama, wag magsisisigaw. Matutulog na ang abuela."
"Kuya Vincent. May kwento ka pong horror?" tanong ni Ryu.
"Ay oo meron. Ito kwento ko sa inyo." Sagot ng kuya Vincent
Kinindatan si Dale ng kuya niya na agad naman niyang naintindihan kung anong ipapagawa nito.
... sabi nila may multo daw dun sa girl's CR sa school. Wala masyado nagsi-CR don dahil sa takot. Isang araw, may isang studyante na napaaga ang dating sa school at gustong mag-CR pero sa kasamaang palad, ang CR na yun lang ang bukas. Pero dahil umaga naman, naglakas loob ito na dun na mag-CR.
YOU ARE READING
MES: Trick or Treat
FanfictionWill it be trick or a treat? A Halloween special written by MES. Enjoy!