CHAPTER 2 [Accident]

9 1 0
                                    

I felt being limp today. Grabe naman kasi eh! Sobra sobra sila kung magpa-test! Daig pa yung
paggawa ng thesis kung magpa'test!
Problema ko? Problema ko lang naman yung mga teacher na alam na may test kayo sa ibang subject tapos isasabay pa niya yung mga projects na kailangan ninyong ipasa.


Dumiretso muna akong cafeteria para magpahinga. It's just 2 o'clock pm now. O'morder na rin ako ng makakain at inumin. Binili ko yung kanin with matching adobo para sulit ang tyan ko. Nakakapagod talaga kapag college kana. Stress to the max! Yung mga eye bags, say hello na lang 😂✌

Kakatapos ko lang kumain kaya ihahatid ko na lang 'tong plato kay ate dahil mukhang busy siya sa pag'kwenta ng mga nabenta sa cafeteria. Kakatayo ko lang pero nakita ko ang cellphone na nasa lamesa pa rin kaya sinubukan kong kunin dahil ang isa kong kamay ay hawak ang plato at ang isa naman ay hawak ang baso. Nang malapit ko nang maabot ang cellphone ko, biglang nadulas yung baso sa kamay. Napasigaw na lang ako kasabay ng pagkabasag ng basong hawak ko.

"Jusko! Anong nangyare ineng?!" nangangambang tanong ni ate

"Pasensya na po ate, nadulas sa kamay ko yung baso. Pasenya na po" nahihiya kong tugon

"Eh ayos ka lang ba ineng? Wala ka bang sugat?" nagaalalang tanong ni ate

"Ok lang naman po ako. Pasenysa po ulit." nahihiya ko pa ring tugon

"Aba'y pabayaan mo na yun, ako na bahala dito." nakangiting banggit ni ate

"Salamat po talaga. Mauna na po ako!" paalam ko kay ate at nagsimula nang maglakad. Ngunit di pa ako nakakaabot palabas ng cafeteria ay tinawag akong muli ni ate.

"Ineng! Mag-iingat ka iha ha?" bakas sa boses ni ate ang pangamba, bakit kaya?

"Sige po! Salamat ulit!" nakangiti kong paalam.


Habang naglalakad ako ay di pa rin nawawala ang kapaguran sa katawan ko. Pero biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa cafeteria, ano bang pinagsasabi ni ate? Hayst.. nag iingat naman ako lagi eh :)

Habang naglalakad ako palabas ng campus, bigla kong naalala na malapit na pala ang birthday ng pinsan ko. Siya si Eunice, pinaka close ko sa lahat ng pinsan ko. Minsan nga ay sabay kaming umiiyak kapag napapagalitan kami ng mga magulang namin. Hahah. Nakaka miss palang maging bata muli.

Ano kayang magandang iregalo sa kanya? Choosy pa naman yun! Last year nga nung niregaluhan ko siya ng branded bag, nag inarte pa at sinabing ayaw daw niya kasi di niya type. Napapailing na lang ako tuwing naaalala ko ang kalokahan niya.

Nandito na ako sa tapat ng gate ng campus namin, at hinihintay ko ang driver namin na susundo sa akin. Habang naghihintay ako, may nakita akong kumikinang na bagay sa kalsada at na'curious naman ako. Nagpalinga linga muna ako kung may dadaang sasakyan. Sakto naman at wala. Nilapitan ko ang kumikinang na bagay na iyon. Nakita kong isang barya lang pala iyon. Pero nang mapansin kong hindi ang ating pambansang bayani ang nasa pilak na barya ay nagtaka ako. Nakita ko na may naka'ukit na paru-paro dito at may nakapalibot na mga rosas sa paru-paro.

Abala lamang ako sa pagsuri sa baryang nakuha ko. Di ko talaga maisip kung anong bansa ang may ganitong barya. Siguro ... roman? Choss.. lakas mang hula eh! Nagtaka naman ako at parang lumiwanag ang paligid, tumingin ako sa pinang'gagalingan ng liwanag at nakita ko ang mabilis na takbo ng isang sasakyan.








-------------------
[A/N:] Bitin muna! Sorry for short update ✌

VOTE ---> sana di ako masyadong nakakaabala pero sana mag vote kayo :')

Already Found The OneWhere stories live. Discover now