Chapter 5 [Bonding]

11 0 0
                                    

[A/N: new cover po :)⬆! Support my story chingus! Salamat po sa classmate ko na gumawa😘]

*******

Nasa sala kami ngayon ng bahay nila Asami. Di pa rin nga ako maka get over sa sinabi niya eh! Jusme! Ganun lang daw ang mga bahay dito sa kanila! Edi mayayaman lahat ng nandito! Sabagay, high technology na talaga sila rito. Yung mas bongga pa sa technology natin ngayo- i mean noong 2017! Although, i really miss my mom and dad, ano pa nga ba ang magagawa ko? Kung maii'stuck ako, ewan ko na lang... hayst.

"Oh Asami! Kiss mommy dali!" sabi ng isang ginang na nasa mid'30 na ata ang edad, pero grabe yung balat niya mga bes! May tao bang parang pinaliguan ng harina dahil sa sobrang puti? Paki-inform nga ako, labyu! Joke!

"Mommy! Stop that! May bisita ako" sabi naman ni asami sa mommy niya habang naka pout.

"Oh! Who is she? A new friend of yours?" nakangiting nilingon ako ng mommy ni Asami.

"Yup! At.. ano po.. pwede po ba siyang dito muna sa atin pansamantala?"

"Bakit? Anong nangyari sayo iha?" kung kanina ay nilingon lang ako, ngayon ay nakaharap na sa akin ang mama ni Asami.

"Umm.. kasi po.. a-ano.. na-nawawala po kasi a-ako..." nakayuko kong sinabi. Sht! Sorry lord! Nagsinungaling po ako T_T

"Natatandaan mo ba kung nasaan ang bahay nyu? Kung saan ka huling pumunta, baka hinahanap kana ng mga magulang mo"

"Pasensya na po pero, hindi ko po talaga matandaan. Alam ko rin naman pong nagaalala na po sa akin ang mga magulang ko, di ko lang rin po talaga alam kung bakit nandito ako." naluluha kong sambit.

"Hala ineng! wag kanang umiyak ah? Sige dito ka muna tumuloy sa amin, wag kang mag-alala tutulungan ka namin mahanap ang mga magulang mo." nakangiting sambit sa akin ng mama ni Asami

"Maraming salamat po! Maraming maraming salamat po talaga!" wala na! Bumuhos na ang mga traydor kong mga luha!

"Oh wag ka nang umiyak! Papangit ka sige!" lumapit sa akin ang ginang at bigla akong niyakap. Mommy... nami'miss ko na talaga si mommy...

"Sali naman ako dyan! Haha" sigaw sa amin ni Asami kaya sumali siya sa pagyakap sa akin ng mama niya.

Nag hiwalay na kaming tatlo mula sa pagkakayakap. Maya-maya ay biglang dunating ang isa sa mga kasambahay nila at may ibinulong sa mama ni Asami,pagkatapos ay agad din namang umalis.

"Oh, maupo na tayo. Nandito na daw ang papa mo Mi~ ^_^" nakakatuwa talagang tignan ang mama ni Asami, masyadong jolly [like her -,-], yung papa kaya niya? Masayahin din kaya?

Naupo na kami sa at bumungad sa akin ay isang medyong mahabang lamesa at puno ito ng mga iba't ibang putahe. Mamaya lamang ay nakarinig ako ng isang sigaw.

"I'm home!" sigaw ng, paniguradong lalaki dahil sa baritong boses nito.

Nakita kong pumasok sa sala nila Asami ang isang lalakeng siguro nasa mga mid'30 din ang edad. Ang gwapo naman pala ng papa ni Asami! May pinagmanahan! Haha!

"Oh honey! Come here! You should meet this new friend of our baby!" naks! Baby daw oh! Sweet talaga ng mama ni Asami sa kanya. :)

"Talaga? Who is she? or he?" kaloka talaga mga bes! kung nakita nyo lang kung pano magpalit ng reaksyon yung mukha ng papa ni Asami nung binanggit niya yung or boy!

"Ayy oo nga pala! What's your name iha?" baling naman sa akin ng mama niya at doon lang ako napansin ng papa niya.

"Areum po, Areum Fuentez Kim. Yazzi na lang po!" Nakangiti kong sabi .

"Areum? Kim? Koreana ka iha?" tanong naman sa akin ng papa ni Asami

"Half lang po. Half Fil at half korean po ako :)" sabi ko

"Ako pala si Mr. Yuichi Aino , daddy ni Asami Aino, but we call our baby Candice and also, just call me tito, it's fine with me :)" sabi sa akin ng papa ni Candice habang umuupo sa upuan niya.

"Ako naman si Mrs. Chie Aino, just also call me tita iha :)" sabi ng ma- ni tita.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang akong nakikinig habang sila ay nakikipag kwentuhan, minsan naman ay sumasali ako sa kanilang tawanan kapag masaya ang kanilang pinag uusapan.

"Yazzi, gusto mo ba na sumama sa akin pumasok? I mean mag mag aral? Kasi para naman di ka ma'boring dito sa bahay. Madalas kasi na busy sila mommy, at syempre malapit na ang pasukan, bukas na nga eh, kaya baka gusto mo?" nag isip muna ako. Pwede rin naman yun.. pero kasi..

"W-wala kasi akong gamit eh. T-tapos uniform, lalo na at baka di ko afford yung tuition fee sa school nyo eh..." nag aalinlangan kong sagot.

"Naku! Ano ka ba naman! kung sa damit, marami kaming binili ni mommy noong nag shopping kami. Kung yung mga gamit naman, sasamahan na lang kitang bumili bukas tutal hapon ang start ng first day of school it means half day lang tayo. At yung tuition fee? Naku! duck lang yan kay daddy, diba dad?" Sabi ni Asami habang nakangiti

"Oo nga naman Yazzi, para naman di ka ma bored dito." Sabi naman ni tita

"Ako na bahala sa tuition mo iha, samahan mo na ang anak namin." Sabi naman ni tito. My goop! Ano to? Pinagtutulungan nyo ba akesh? Nalerkye! Oo na, kaso...

"Pero nakakahiya na po talaga t-tita at t-tito, Asami, pinatuloy nyu na po ako dito, ayos na po sa akin iyon :)" sabi ko

"Bahala ka dyan! tampo na ako sayo...hmp!" Sabi ni Asami, na halatang nag tatampo.

"Ano kasi eh.. "

"Bahala ka dyan!" Sabi na naman ulit ni candice

"Sige na..." napalingon naman agad si candice sabay ngiti. "Pero.. pwede pa ba akonf mag enroll kung bukas na pala anf pasok?" Tanong ko

"Oo naman. One of the share holders si dad at mom kaya push natin toh.

Tinapos na namin ang pagkain at nagpagpasiyahan nila na magpahinga na... habang buhay... JOKE! choss lang bes! So ayun, hinatid ako ni candice sa isang guest room dito sa bahay nila.

Geez... nakakapagod ang araw ko ngayon... ano kaya mangyayari pag pasok ko sa school. Bahala na..

Zzzzzzz....



*******
[A/N: Yun muna readers! Vote :*>]

Already Found The OneWhere stories live. Discover now