CHAPTER 3 [New World]

10 1 0
                                    




[A/N:Nakakaloka ang takbo ng story na to. Sana support nyu pa rin ito :) Street lights on the multimedia!]

****

"Hoy ineng! Ineng! Ayos ka lang ba ha?" isang boses ng ale.

Nagtaka naman agad ako, alive ako?? Dinilat ko na ang mga mata kong kanina pa nakapikit. Agad agad ay sinuri ko ang katawan ko, wala naman akong kahit anong galos kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ineng! Ayos ka lang ba?" narinig ko na naman ang boses ng ale.
Hinarap ko siya at ningitian bago sumagot.

"Ayos lang po ako, salamat po" magalang kong tugon

"Pasensya na ineng ha? Di kasi tumitingin sa daan itong asawa ko" sabi niyaa sabay turo kay manong na nangangamot ng batok.

"Ayos lang naman po ako, wag na po kayong mag alala." nakangiti kong sagot

"Eh, gusto mo bang dalhin ka namin sa hospital?"
Nakukulitan na ako mga tsong ha!

"Naku wag na po!" pagtanggi ko.

"Oh sige, pasensya na ulit at kami'y mauuna na!" paalam niya

"Sige po." pagpaalam ko.

Tumabi na ako sa gilid para makadaan na sila. Pinagpag ko muna ang suot suot kong uniporme. Muntikan na ako dun ah! Buti na lang talaga nakapag preno si manong. Bakit parang ang tagal ata dumating ng driver namin?

Inangat ko na ang paningin ko. T-teka? Bakit... bakit ibang lugar na toh? Bakit ang daming nagtataasang buildings dito? Bakit nawala na yung tindahan na maliit sa harapan ng campus namin? Nasaan na? Lumingon ako sa likuran ko. B-bakit...

Naiiyak na ako dito sa kinatatayuan ko. Paglingon ko ay isang malaking pader na lang ang makikita na may iba't ibang disenyo. Gusto ko sanang mamangha sa kagandahan na taglay nito, ngunit di ko magawa. Nasaan na yung campus? Saan?

"Excuse me po ate!"

"Ate? Excuse me po!"
Nabalik lang ako sa ulirat ng may marinig kong boses.

"Ha?" nilingon ko ito at nakita ko ang isang batang babae.

"Ang sabi ko po, excuse me, dadaan po kasi kami!" napaatras naman agad ako dahil sa sigaw nung bata. Tinarayan naman ako ng iba niyang kasamang nag bibisikleta. My ghad, bata pa lang yan ha? denice is that you? -,-

"Ganda sana, binge nga lang!" pagpaparinig naman nung isang batang babae na may pagkataas taas na ipit sa ulo. Ano yan? Daig pa yung powerpuff girls ah? Choss!

Di ko na lamang pinansin ang mga sinasabi nila. Abala ako sa pagtukoy kung nasaang planeta akong napunta. Hala! Baka kaluluwa ko na lang toh? Baka nasa 'Soul City' ako? May nabasa kasi akong ganito na biglang nag te'teleport or napupunta ang kaluluwa mo papunta sa soul city tapos yung katawan mo ay may nangyaring masama, or tulog ka.

Pinagku'kurot ko ang sarili ko dahil baka magising ako at makabalik sa katawan ko... pero wala pa ring effect. Kinapa ko yung bulsa sa palda ko kung nadun pa rin ang cellphone ko. Laking pasasalamat ko at nandun pa rin iyon. Binuksan ko ito at di'nial ko ang number ni mommy.

Minutes pass, at paulit ulit lang ang pag ring. Tumigil na lang ako, at tinignan muli ang lugar na kung nasaan ako. Napagpasyahan kong mag lakad lakad muna. Maraming magagarang gusali ang makikita rito at ang bawat gilid ng kalsada ay mayroong matatayog na puno, na sa hula ko ay mga cherry blossoms. Feeling ko ay nasa japan ang peg ko ngayon dahil sa tuwing iihip ang hangin ay naglalaglagan ang mga bulaklak mula sa cherry blossoms tree. Habang patuloy ako sa paglalakad ay mayroon din akong nakitang mga malalawak na parke na kung saan ay nakita ko rin ang mga batang nakasalubong ko kanina.

Agaran mong mapapansin na maunlad ang lugar na ito. Mula pa lang sa estraktura hanggang sa mga disensyo ng bawat establishment. Napag disisyunan kong maupo muna sa isa sa mga upuan dito sa parke. Maganda ang tanawin dito. Naiisip ko, bakit pa ako magpa'panic eh kung tanggapin ko na lang kaya? Kasi kahit umiyak iyak at magwala ako dito eh di ko sigurado kung makababalik pa ako sa lugar namin.

Papalubog na ang araw. Ang ganda ganda talagang tignan kapag papalubog na ang araw. My mommy always told me when I was kid that when you saw the sun set, just wish and wait 'till your wish will come true. So i do close my eyes, and wish.

"I wish I can handle my self here." as I said my wish in the wind. Ang pinapagamba ko na lang ngayon ako saan ako matutulog. Ok lang naman sana ako sa sahig o kaya dito na lang sa parke, dahil nasanay na rin naman ako tuwing may camping sa school. Pero ang kinatatakot ko lang ay baka habang natutulog ako ay may masamang tao dyan sa tabi tabi na may gawing masama sa akin. Unti unti nang dumidilim kasabay ng pag-ilaw ng mga street lights sa parke at sa gilid ng kalsada. Tatayo na sana ako ng may biglang mag salita,

"Hello!"



*****
[A/N: Yan lang po muna! Vote vote tayo mga chingus! :) Support my story till the end :*>]


VOTE ! ---> kung di ako masyadong nakakaabala ✌

Already Found The OneWhere stories live. Discover now