[A/N: 'medyo' ganyan po ang itsura ng school nila. Dinagdagan ko lang para gumanda.]
•••
"Wow..."
Yan na lang talaga ang salitang lumabas sa bibig ko. I don't know what to say... Incredible? Awesome? Wonderful? Ano?! Nakakaloka naman talaga oh!
Wanna know, kung bakit ako nababaliw? Well... kung ikaw rin lang naman ang nasa posisyon ko, siguradong wala ka ring masasabi. Speechless ako bes. S-P-E-E-C-H-L-E-S-S ako! Ang naka sulat sa higanteng arko ay sigurong pangalan ng unibersidad na ito.
'BRITANNICO NAZIONE International University'
Kung hindi lang sana ako hinila ni Candice ay baka tumunga'nga na lang ako sa ganda ng pagka'disenyo nito. Pagtingin mo pa lang sa mga disenyong nakapalibot dito, pati na rin sa mga letra ay malalaman mo agad na mamahaling materyales ang ginamit dito. Ang pangalan ng unibersidad ay naka'ukit gamit ang kulay gintong mga bakal. May mga nakapalibot ding nga paru'paro na parang totoo dahil sa pagkakagawa nito. Kulay pula at asul na parang pinagsama ang background color nito.
Pagkapasok sa kanilang paaralan ay unang bubungad sayo ang mga nag'gagandahang cherry blossom trees, na may mga lamesa't upuan sa gilid nito na ang daan ay patungong diretso. Sa kanang daanan naman ay makikita mo ang mga nakatanim na kulay pulang rosas sa bawat magkabilang gilid ng daan, ganun din ang sa kaliwang daanan.
"Kukunin muna natin ngayon ang mga schedules mo ah?" sabi niya sabay ngiti sa akin. Ginantihan ko na lang rin ito ng ngiti.
Dumaan kami patungo sa diretsong daan. Medyo marami rami na rin ang mga estudyante rito. Unang tingin mo palang sa kanina ay alam mo nang galing sila sa isang marangyang pamilya. May iilan na bumati kay Candice, siguro ay mga kakilala o kaibigan niya. Ang diretsong daan na ito ay patungo sa isang malawak at malaking building. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa lang ganitong paaralan ang nage'exist sa mundo. Mukha itong malaking palasyo na mayroong maraming taluktok sa itaas. Ngunit ang mas kaagaw agaw pansin ay ang pinakamataas na bahagi ng building na ito. Medyo di ko makita kung ano ang naroon dahil sa araw, ngunit nang takpan ng ulap ang sinag ng araw ay nakita ko na rin. May nakalagay na malaking paru-paro na napapalibutan ng mga rosas. Tinignan kong muli ang aking uniporme, magkatulad ang naka disenyo sa uniporme at sa disenyong nakalagay sa taluktok ng building na ito. Ito siguro ang ginagamit nila bilang pagkakakilanlan ng unibersidad na ito. Marami ring mga bintana ang nakapalibot sa buildings na narito, na may iba't ibang laki. Lumiko si Candice at nagpunta sa isang elevator. Noong una ay nagulat pa ako, diba? Nakakalokang may makita kang isang elevator, teka! Hindi lang isa kundi maraming elevator sa isang paaralan. Nang hinila akong muli ni Candice ay doon lang ulit ako nagkaulirat.
"Ok ka lang ba? Kanina ka pa napapahinto." Tanong niya habang sumasakay kami sa elevator. May iilan rin kaming nakasabay na mga estudyante.
Lumapit ako sa kanya at ibinulong, "nakakagulat lang kasi itong school mo! Ang bonga!" Sabi ko na may halong pagkamangha ang boses.
Tumawa naman siya ng mahina lang. "Ganun ba? Haha.. sorry! Pero pwede pakurot?" Bago pa man ako makapalag ay kinurot na niya ang aking pisnge. Nag pout naman ako sa ginawa niya sa pisnge ko. Panigurado ay namumula ito.
"cute mo talaga!" Sabi niya habang nangingiti.
Tumigil na ang elevator sa ika-tatlong palapag at lumabas na kami. Kumpara sa ground floor, mas maraming estudyante ang nandirito, siguro ay para kumuha rin ng mga schedules nila.
YOU ARE READING
Already Found The One
RandomHanggang saan nga ba ang makakayang marating ng salitang 'PANGAKO'? Hanggang saan 'KAKAPIT' sa mga salitang binitawan? At hanggang saan 'AASA' Mapapatunayan kaya sa storyang ito ang salitang FOREVER? Ating tunghayan.