[A/N:ganyan po yung naiisip kong itsura ng uniporme nila! ©Google]
•••••••
Ala-sais pa lang ng umaga ay nandito na agad ako sa loob ng cr. Pano ba naman kasi, ang aga aga mang'gising nung si Candice! Na'kesyo kailangan daw maagang kumilos para makapag prepare pa kami sa pag pasok. Wag na lang kaya ako pumasok? Eh kaso sinubukan ko na ring sabihin kay Candice yun kaso ang bilis bilis mag tampo! -,- tsk!
Nagsuot lang ako ng isang faded blue ripped jeans at isang black sweater na may kulay gold na butterfly sa gitna. Kung hindi nyu natatanong at alam kong walang may pake, paborito ko talaga ang mga butterflies, di ko alam kung bakit pero dahil siguro na ang sarap lang nilang tignan, parang payapa ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng mga paru-paro. Napaisip kayo kung saan ko nakuha 'tong outfit ko? Dahil mukha na talaga akong pulubi ay sinulit ko na haha! Pinapili kasi ako kanina ni Candice ng outfit ko today, sabi niya eh lilibre niya ako ng mga damit mamaya dahil mag s'shopping na rin daw kami. Shopaholic ata itong si Candice eh! -,-
Lumabas na ako sa kwartong pinagtulugan ko at dumiretso sa hagdaan para puntahan si Candice. Nakakahiya naman kasi diba? Ako na nga ang nakikituloy, ako pa magpapahintay. Pagkababa ko ay nakita ko agad si Candice sa lamesa na kumakain ng umagahan. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong tinawag.
"Oh Yazzi! Tara dito, saluhan mo ako!" sabi niya ng nakangiti.
Imbis na sumagot ay ningitian ko na lamang siya at na'upo sa kapag kainan nila.
"So, ang plano ko sana ngayong bibili tayo ng mga gamit mo Yazzi ay, una - pupunta tayo sa NBS para bumili ng mga, obviously gamit mo, then pagkatapos nating bumili sa NBS ay pupunta tayong BNIU School Supplies." Nakatungo niyang sinabi
"Ha? BNIU school supplies? Ano yun? Parang national din ba yun?" puno ng pagtataka kong tanong
"Haha! Nakakatawa ka talaga! Ang kyut mong mag react" natatawa niyang sabi, problema sa reaction ko? Gusot ba mukha ko? Can any one tell me? -,-
"By the way, yung sinasabi kong BNIU School Supplies, yun yung lugar kung saan pwe'pwede tayong makabili ng mga librong gagamitin natin sa school. Pwede ring dun ka na lang rin bumili ng mga note pad mo,lalo na kung may mga project na pinapagawa sa inyo." kaloka naman pala, may pa-ganung effect sa yung school na yun!
"Pero kailangan pa rin nating dumaan sa NBS dahil walang mga ballpen, notebook doon. Ang lupet diba? Mga kagamitan lang kasi sa paggawa ng mga projects ang makikita doon. Sa pagkakatanda ko ay ginawa daw yun para wala daw excuse na kesyo walang mahanap or mabili nung pangpagawa ng project nila, sabi ni dad." sabi niya at sinubo ang huli niyang kanin sa plato.
"Ahh... salamat sa info ha?" Nakangiti kong sabi
"Wala yun noh! Simula ngayon friend na tayo!" sabi niya na naka ngiti rin
"F-friend? s-sige..." naiilang kong sabi
"Ayaw mo ba?" bigla namang nag transform yung happy face niya into disappointed face
"Ha? H-hindi sa ganun... sa totoo lang wala akong kaibigan sa school k- este sa dati kong school.." sabi ko at nilagay ang plato ko sa lababo, tumabi naman siya sa akin at nilagay rin ang plato niya
"Bakit naman? Mabait ka naman... friendly pa, pano ka hindi nagkaroon ng kaibigan? maski isa?" taka niyang tanong
"Oo, maski ni isa wala. Mataray kasi ako, o di naman kaya ay parang laging maiinitin ang ulo. Sinasadya kong ilayo sa sarili ko iba dahil alam kong kaya lang naman nila ako kinakaibigan dahil isang famous designers ang mommy at daddy, ayuko lang talaga ng mga pekeng tao yung gagamitin yung kakayahan mo pagkatapos makuha yunh gusto mang iiwan rin naman." mahaba kong paliwanag
YOU ARE READING
Already Found The One
RandomHanggang saan nga ba ang makakayang marating ng salitang 'PANGAKO'? Hanggang saan 'KAKAPIT' sa mga salitang binitawan? At hanggang saan 'AASA' Mapapatunayan kaya sa storyang ito ang salitang FOREVER? Ating tunghayan.