CHAPTER 4 [New Friend]

12 0 0
                                    

[A/N: Asami Aino on the multimedia ⬆]

••••••••••

"Hello!"sabi ng boses na narinig ko. Dahan dahan kong nilingon kung saan nagmula ang boses na yun.

"Whaaaaa!!" sigaw ko, nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin.

"Hala! Bakit?! May ipis?! Saan?!"
naki-sigaw na rin siya sa akin

Hindi naman sa mukhang siyang monster or other creatures na nababasa natin. Sadyang nakakagulat lang dahil ang lapit ng mukha niya sa akin tapos nilakihan pa niya ang buka ng mga mata niya. Creepy right? -,- kung siguro hindi to babae eh natadyakan ko na to!
Tumigil na ako sa pagsigaw at ganon din siya.

"Teka nga! Bakit ka ba sumisigaw" tanong niya sa akin habang inaayos yung mga takas niyang buhok at nilagay sa likod ng kanyang tenga.
Wow! *_* ang ganda niya pala.

"Pasensya na, nagulat lang naman ako sayo eh." Pagpapaumanhin ko.

"Ganun ba? Pasensya na rin ah? Hehe" sabi niya sabay giggle. Kyeopta! ^_^

"So.. bakit ka pa nandito, umm?" siya.

"Areum Kim, pero Yazzi na lang" sagot ko.
"kasi ano eh..." sasabihin ko bang nagteleport ako dito tulad niya? "Katulad mo ako. Napunta rin ako dito sa di malamang dahilan."

"Ako? Bakit ako?" nagtatakang tanong niya.

"Ha? Diba kaluluwa ka rin tulad ko na napunta dito sa soul city?" kunot noo  kong tanong.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kaluluwa? Soul city? Abnormal ka ba?" tanong niya sa akin sabay layo ng unti.
"Sayang ka, maganda ka sana kaso abno." umiiling niyang sabi.

"Hala! Hindi ako abno! Kung ganun ay hindi ka kaluluwa at hindi to soul city? Kung ganun... nasaan ako?" medyo na buhayan ako ng loob dahil baka nasa kabilang bayan lang ako. Pero panong nangyari at nandito ako?

"Ay.. kaloka ka naman! Nandito ka tapos di mo naman alam kung nasaan ka?" tanong niya.

"Oo eh. Nagulat lang rin ako na nandito na ako." pagsasabi ko ng totoo.

"Kung ganun ay ipapaliwanag ko." Huminga muna siya bago magsalita, "nandito ka sa Yeanrist City."

"Yeanrist City?", saang parte ba ng Pilipinas yun? T_T nawawala na talaga ako!

"Oo. Ang Yeanrist City ay ang pinaka maunlad na syudad sa buong bansa ng Pilipinas." what the eh? Saan bang banda yun at parang bago pa lang sa pandinig ko? Lord! Anyare sa philippines?

"Kung nasa pilipinas tayo, bakit may mga cherry blossoms dito? Diba dapat ay sa malalamig na lugar lang tumutubo yan?"

"Sa totoo lang peke ang mga yan. Sadyang kasama lang yan sa pagbabago ng syudad natin ngayong 2030. Parang nasa ibang bansa tayo kapag nilibot mo ang buong Yeanrist City. Kaya tayo ang pinakamaunlad." sagot niya.

pagbabago ng syudad natin ngayong 2030....

syudad natin ngayong 2030
....

ngayong 2030...

2030?!?!

"Nagbibiro ka ba?! 2030?! Eh 2017 pa lang ngayon!" Nalilito kong sagot sa kanya. Bigla na lang siyang tumawa. Nagtaka naman agad ako.

"Anong 2017? Past person ka teh? Haha! Oo 2030 na ngayon! Kaloka toh!"

Hindi pa rin masyadong ma accept ng utak ko ang mga nalaman ko. Nasa tv ba ako? Kdrama na ba this? Oh goop! I-i can't understand! Bakit ako nandito?!

"Uy hala! Bakit ka umiiyak?" nag aalala niyang tanong.

"Si m-mom... si d-dad... w-wala na a-akong kasam-ma" umiiyak kong sagot

"Hala ka naman oh! Lumayas ka ba?"

"Hi-hindi ko ma-gaga-wa y-yun!"

"Eh pano ka na niyan?" tanong niya

"Hindi ko a-alam..." nakakainis naman oh! pano? Can any one explain me why I'm here?! Goop! Pano na ko? T_T mom! Dad! Huhu!

"AHA!" biglang sigaw nung kausap ko. Napatalon tuloy ako ng wala sa oras!

"B-bakit?" Tanong ko habang pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"Pwedeng dun ka na lang muna sa amin! Mabait naman yun sila Mommy and Daddy! Hihi!" sabi niya sabay giggle ulit. Ang cute niya talaga!

"Talaga? Ok lang sayo na doon muna ako sa inyo?" tanong ko.

"Oo naman! Basta friend na kita ah?" tanong niya habang naka ngiti.

"Oo naman. Salamat ha? Malaki ang utang na loob ko sayo" sabi ko sabay ngiti.

"Tara na! Maglakad na tayo, medyo malayo yung bahay namin mula rito, medyo lang naman! Hihi!" Goop!!! Gusto ko na talagang kurutin yung pisnge niya. Kaya ayun, nakurot ko na ^_^

"Aray naman Yazzi!" naks! Yazzi daw oh! Haha! Abno na ata ako, kanina paiyak iyak ako, ngayon tawa tawa na lang... Goop ko~~






Habang naglalakad kami ay naalala kong di ko pa pala alam ang pangalan niya.



"Umm.. ano bang pangalan mo?" tanong ko.



"Asami Aino! Pero Candice na lang!" Layo sa name niya ah! Pareha ata ng utak ang mga parents namin eh! Hayst... naalala ko na naman sila mom at dad :'(

"Oh? Bakit sad ka na naman?"

"wala. Naalala ko lang kasi sila mom at dad..."

"Hayaan mo muna yun. Kapag nakahanap kana ng paraan para makabalik, tutulungan pa kita ;)" sabi niya sa akin sabay kindat.

"Salamat talaga!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Walang anuman!" sabi niya sabay ngiti. "Teka, naka uniform ka ah? Saan ka ba nag aaral?"
Ayy oo nga pala! Naka uniform pa ako!

"Sa St. Cerin International School, alam mo ba yun?" tanong ko. Baka kasi makabalik ako sa panahon namin kapag pumunta ako dun.

"Um... oo!" sabi niya. Nabuhayan naman agad ako.


"pwede puntahan natin? Gusto kong makita!"

"Pero... sa pagkakatanda ko eh giniba na yun matagal nang panahon. Masyado na kasing luma eh. Ngayon, nagtatayo sila ng bagong mall dun. Kaya lang... nagtataka ako kung bakit may uniform ka nila... di kaya.... multo ka talaga?" umatras naman agad siya.

"Ano ka ba, hindi noh." sagot ko at bahagyang ngumiti para di niya mahalatang na disappointed ako.

"Pero bakit may uniform ka nila?" taka pa ring tanong niya

Ningitian ko na lang siya dahil di ko alam kung papaano i explain sa kanya. Di tumagal ay huminto kami sa isang malaking bahay. Wow ×_× nakakaloka naman toh! Bahay lang ba toh o mansyon?

"Mayaman siguro kayo noh? Ang laki kasi ng bahay nyu!" namamangha kong tanong.

"Hindi naman masyado! Hihi! Ganito lang talaga ang mga bahay dito sa Yeanrist City!"















[A/N: Yan po muna! Vote chingus :)]

Already Found The OneWhere stories live. Discover now