Shan's Pov
Huhuhu di kami sabay ni Queen Pumasok,nauna na daw siya sabi ni Motherlu niya.
Kasama niya si ate niya.
Himala ang aga nung babaeng yun nakakaiyak naman.
Nandito na ko sa school at naglalakad na papunta sa room
"Balita ko may Transferee ngayon"halos bulungan ng lahat sa hallway.
Habang sa paglalakad ko may nakabangga saken.
Lalaki?
Mag rereact na sana ko ng makita ko si Dylan.
Omoo shit bakit ba ang pogi nito.
"Shan?"takhang turo saken.
"Oo"ngiting aso ako hanuba
Me:(♡˙︶˙♡)
Inlababo si ateng niyo.
"Classmate kita,sabay na tayo "sabi niya saken.
Eh ako tong tanga umoo naman.
"Sino yung transferee,may alam ka ba sa kaniya,bakit halos lahat ay na informed ako lang hindi?"diretsong tanong ko.
"Yes,may transferee babae siya"sabi niya.
Babae? Maganda ba at ganun na lang na alam ng lahat na dito siya mag aaral.
"What is her name?"I asked
"As far as I know her name is... Stacey McCartney"sabi ni Dylan.
"Famous?"tanong ko.
"International Model"sabi nito.
Di ko alam parang pangalan pa lang naiinis na ko.
Kumukulo na agad ang dugo ko ghaaad napaka judgemental ng instinct ko
"Ahh" sabi ko at ayun nagpatuloy na kami sa pag lalakad,nang makarating kami sa Room ayun nakita ko si Queen na naka lean sa table niya.
"Is she ok?"tanong ni Dylan.
"Yes,ganyan talaga yan"sabi ko.
Kaya umuna na ako ,umupo na ko sa upuan ko this time tabi na kami ni Queen vacant seat kasi yung tabi niya then ayun si Dylan umupo na sa likod.
"Psst"kalabit ko kay Queen.
"Nandiyan ka na pala."sabi nito sabay ayos ng upo.
"May transferee daw"sabi ko
Syempre madaldal si ateng niyo hahaha."Stacey McCartney daw"dugtong ko.
"Pangalan pa lang mukha ng maarte,humanda ka na Shan"sabi nito.
Oha pak parehas kami,bestfriend goals hahahah.
"Oo nga eh,san na si Jen?"sabi ko
"Kasama niya kapatid niya, si Angeline?"sabi nito.
"Ahh okeeh,ayan na pala siya eh"sabi nito.
"Uyy Jen dito ka na umupo hihi"sabi ko sabay tap sa table ng katabing upuan ni Queen,bakante naman kasi.
"Ok"sabi nito.
"Gala tayo mamaya"aya ko sa sakanila.
"Sure"sabi ni Jen at Queen.
"Yey"sabi ko ,syempre masaya ko.
Dylan's Pov
Magsaya lang kayo haha,di rin magtatagal yang tawanan niyo mapupuno ng iyakan.
Nakatingin lang ako sa kanila.
Mukhang magkakaroon ng magandang palabas ngayon pasukan ah.
Alam niyo bang si Stacey ang Ex ni Tyler.
And base on her attitude napaka arte nito,warfreak.
Mukhang masaya toh.
"Dylan!"sigaw ni Shan.
"Bakit?"sabi ko.
Ngumiti siya saken
T-teka bakit ang g-ganda niya
Hinampas ko ng mahina mukha ko
No Dylan,wag,di ka pwedeng mabighani sa Kaibigan ng Kaaway mo,masisira ang lahat
"Ok ka lang?kanina kapang tulala eh"sabi nito.
So kanina sumusulyap siya saken at napapansin niya yun.
Dont tell me na ano si Shan saken
( ̄▽ ̄*)ゞNo nooooo,bakit sumaya ko?puta wag,ikasisira toh ng lahat ng plano ko.
Pero kung totoo ang nasa isip ko,pwede ko siyang pag laruan,maging ka close at pag naging close kami pagkakatiwalaan niya ko at mapapalapit ako sa kanila.
Nice Idea Dylan ang talino mo talaga.
Napa smirk na lang ako
"Oo ok lang ako"sabi ko.
At ayun na dumating na yung iba naming kaklase,usap usapan parin si Stacey.
"Si Stacey?Ex ni Bebe Tyler yun diba?"sabi nung isa.
Napatingin si Shan sa babae at may binulong kay Queen.
"International Model siya,ang ganda niyaaa nakakatibo mga besh"sabi naman nung isa.
At ayun usap usapan parin si Stacey ,bukas daw ang first class niya,pero wala pang nakakaalam ng Section niya.
Dumating na rin yung Grupo nina Tyler kaya nanahimik bigla ang lahat.
Mukhang alam niya na rin na nag babalik ng Ex niya hahaha.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen Gangster (ON EDITING)
ActionQueen Valeskha Velvet S. Mendoza-- she's the long lost queen gangster. Marami syang sikreto na silang mag bestfriend lang ang nakakaalam. Matagal na nilang kinalimutan ang buhay nilang magulo,ang gangster life . She is the Gang Leader of Celestial K...