Chapter 1

63 2 0
                                    

NOTE:

There might be some grammatical/typo errors you may encounter while reading, so please bare with it. The story didn't undergo any editing yet and I'm planning to edit the story as soon as I finish it. Also please do not judge any corrections as I said there may be errors you may encounter, and this story is originally made by me every night. I the author of this story is thankful to everyone who are reading my story, I hope you will also feel the KILIG, KIROT and SAYA that I experience while writing it. This is MinEureya thanks for reading :)

*Don't forget to Vote and Follow! Kamsahamnida~ Arigatou~ Thank You~ Salamat~

Euni's POV

"Momo! Dali na! Libre mo ko! Look, I forgot my wallet okay!?" Napapatawa nalang ako kung paano magmakaawa si Aly kay Momo. Papunta kaming cafeteria ngayon dahil break, eh etong si Aly nakalimutan daw yung wallet nya dun sa kama niya.

"Fine! Ano ba yan! Pwede naman kasing mangutang papalibre pa!" Lalo akong natawa dun sa sinabi ni Momo. Pfft. Jusko lord bakit ho ganito mga kaibigan ko?

"Yieee! Labyu na Momo! Dali libre mo na ako nung chocolate cake! Tsaka ice tea! Dali!" Sabay tulak niya kay Momo sa may cashier.

"Nay! Anong sayo?" Tanong sakin ni Momo habang nakapila pa lang.

"Busog pa ako! Mamaya nalang lunch"

"Nay may Strawberry ca---

"Kalahati Momo! Kalahati!" Hindi nga pala ako busog kasi di ako nag almusal. Hoooo.

Ilang minuto lang nakabalik agad si Momo dala dala yung mga pagkain namin. Strawberry Cake! Waaahhh. Ma feborit! Agad naman akong kumain dahil naglalaway na talaga ako.

"Busog pala ah!" Pang aasar ni Momo sakin. Aba anong magagawa ko ako ba tindera sa cafeteria at naghahain ng paborito ko? Tiningnan ko si Aly na nakasibangot. Napano naman to?

"Hoy Aly! Ampanget mo na nga shumishibangot kapa!" Agad naman siyang tiningnan ni Momo.

"Napano ka kapatid at ganyan yang panget mong mukha? Hindi ka gagraduate ng ganyan ang mukha mo" pfft. Tumawa kami ng sabay ni Momo dahil lalo siyang sumimangot.

"Eh pano kasi bat ako nagmakaawa pang magpalibre tapos si Euni nilibre mo ng walang sabi!" Sabay pout niya. Nagkatinginan kami ni Momo sabay tawa.

"Nanay ko yan natural lilibre ko! Charreng! Haha. Tanga ka ba Aly? Ililibre kita tapos siya hindi? Wow VIP lang teh? Isanla mo kasi yang kotse mo pag nalilimutan mong dalhin yang pitaka mo!" And the fight goes on. Hanggang matapos ang break nagmamaktol si Aly pinaglalaban yung pagmamakaawa niya kanina kesyo daw ganyan ganyan.

"Nga pala Nay, dba may long quiz tayo bukas kay Mrs. Madrigal? Hala uyy! Magrereview ako mamaya walang video video call! Ayoko ng mapahiya no!" Oo nga pala, last time kasi bumagsak si Momo dahil nalimutan niyang magreview at ayun pinahiya maganda lang daw siya kaso walang utak.

"Dalian niyo nga! Malelate pa tayo neto eh!" Nanguna sa paglalakad samin si Aly na wala parin sa mood. Wala namang isyu sa pera yan eh, actuallymay isyu yan sa utak. Madaling mag tantrums yan. Daig pa ang bata pagnagtampo.

Nagumpisa na ang klase namin sa Math. Wala namang masyadong nangyayari sa buhay ko maliban nalang na biglaan kong nakilala si Momo at Aly ng walang dahilan. Scholar lang ako dito sa Stalford University, nadala sa mga grades dahil nangunguna ako sa klase.

Kung paano mamuhay ang isang normal na college student ayy oo nga pala magtatrabaho pa ako mamaya. Gusto kong magkwento pero anong ikukwento ko? Nalimutan ko na ang nakaraan ko. WOW! Hugot lang eh no? Charr lang yun. Actually hindi ko na talaga matandaan yung mga pinag gagagawa ko dati.

He and SheWhere stories live. Discover now