Chapter 13

9 2 0
                                    

  Euni's POV 

 "Trystan, kapag ba arranged marriage wala ka ng magagawang paraan para matigil yun?" Tanong ko habang kumakain kami dahil simula ng araw na nakausap ko si Momo yun na lagi ang nasa isip ko. 

 "Why? Are you interested in that thing? Gusto mong pigilan yung kina Kuya?" Hindi ako nakasagot kay Trystan pero sa isip ko oo ang sagot na maibibigay ko. 

 "Not really. I'm just curious kung bakit kailangan pa ng ganun sa buhay. What if hindi nila mahal ang isa't isa?" Ang lakas ng loob kong magtanong ng ganito eh ako mismo sa sarili ko hindi alam ang salitang mahal. 

 "That's what arranged marriage is, you can't do anything about it as long as ang mga magulang mo ang kumokontrol sa buhay mo." Walang gana niyang sagot. Marami pa, maraming marami pa akong gustong itanong kay Trystan pero sa tono ng pananalita niya ayaw niyang pinag uusapan ang tungkol dito kaya I shut my mouth. 

 After akong ihatid ni Trystan sa school agad kong hinanap yung dalawa. Hindi pa man ako nakakapasok ng room I heard them laughing. I smiled. I guess there's no need to be worried kung ganyan sila makatawa. Pumasok nako ng nakangiti at akala ng dalawa may nangyari na naman. 

 "Oyy Nay! Mall tayo! Dba nagretire kana sa trabaho?" Yeah. Kamakailan lang ng nagretire ako hindi ko kagustuhan yun, pinilit lang ako ni Trystan kasi nga naniniwala siya sa kasabihang "AKONG BAHALA SAYO" kaya yun. :// 

 "Osi----- 

 "Mind if you share what you're talking about Ms. Lowell." Agad akong umiwas ng tingin ng magsalita ang prof namin kaya ayun nagtawanan na naman ang klase dahil kay Momo. Ang sakit sa tiyan kapag nagpipilit ng tawa. Hooo. 

 "Ano ba yan! Every prof nalang ba kailangan napapahiya ako?" Pagrereklamo niya habang nakaupo kami sa damuhan sa may garden. Vacant namin dahil wala yung isa naming prof. 

"Alam mo kasi Momo masyado kang madaldal. Kung kailan may prof tsaka gumagana yang kadaldalan mo!" Panenermon sa kanya ni Aly kaya nagtawanan kami. Dito ang tambayan namin kapag maraming tao sa Cafeteria. 

 "Euni si Trys---- 

 "Euni!!!" Napalingon agad kami ng may tumawag sa pangngalan ko. Si Brent pala, kumaway ako at lumapit siya sa kinaroroonan namin. 

 "Euni may gagawin kaba mamaya? Yayayain sana kitang mamasyal." Magma mall kami mamaya nina Momo eh. Natagalan bago ako makasagot dahil nga may lakad kami kaya tiningnan ko muna sina Momo at tumango tango sila. Pano yung lakad namin.? 

 "S-sige." Ngumiti ng malawak si Brent saka hinawakan ang kamay ko kaya nanlaki ang mga mata ko. 

 "Mamayang uwian pupuntahan kita. Bye Euni!" Hindi ako nakareact sa ginawa ni Brent, may iba sa hawak niya. At may pagkakaiba ang dalawa. Liningon ko ang dalawa na para bang nanghihingi ng advice pero busy silang nagce cellphone, bakit prang wala lang sa kanila yun? 

"Okay lang sa inyo?" Sabay nila akong liningon at sabay ring tumango. 

 Bago ako umuwi nag text ako kay Trystan na may pupuntahan ako. Wala naman sigurong masama kung si Brent ang kasama ko tutal kilala naman niya si Brent. Tsaka mamamasyal lang naman kami. Nang saktong maisend ko yung message may natanggap rin ako mula sa kanya. 

Trystan: Hindi kita masusundo ngayon sorry. Someone ask me to have a tour around. 

 Tour around? What's that? Parang ngayon ko lang narinig yung term na yun. Nevermind baka business matter nag reply naman ako ng okay lang knowing Trystan baka maulit na naman yung nangyari na sorry siya ng sorry. 

He and SheWhere stories live. Discover now