Chapter 15

15 2 0
                                    

  Aly's POV

"Momo! Pinatay niya Momo! Hindi kaya nakita niya yung dalawa? Momo anong gagawin natin? Momo! Momo" binatukan ako ni Momo kaya napa aray ako.

"Gaga! Wag kang Momo ng Momo diyan! Ano ako multo?" Nawala sa paningin namin yung dalawa ng mag call si Euni kani kanina at sinabing nasa Amusement Park din siya. Oo nandito rin kami dahil minamatyagan namin si Trystan at si Amanda Valentin ang sikat na businesswoman. 

"Call mo nga ulit!" Nag dial ulit ako ng dalawang beses pero hindi niya sinasagot, kinakabahan na ako. 

"Ayaw sagutin eh, last na pag di siya sumagot sasampalin ko na yung babaeng kasama ni Trystan!" 

"O sige ba! Sabunot akin." 

Nag dial ulit ako, malapit ng magcannot be reach buti nalang sinagot na ni Euni kaya nakahinga kami ng mabuti. 

"Euni nandito rin kami sa Amusement Park sa may St. John." 

"Ano?! Akala ko pa naman nandito kayo sa Star City? Nasa Star City kasi ako eh." Star City? Sinenyasan ko si Momo na wala siya dito kaya nakahinga siya ng maluwag. 

"Actually nagsimba ako tapos dumaan nalang ako dito. Sige na ibababa ko na sasakay na ulit ako ng rides eh." Nag bye na ako at matapos nun umupo muna kami ni Momo para makapagpahinga at mapakalma ang sarili namin. 

"Ahh ganun ba? Akala ko nandito ka eh kasama kasi namin si Melo. Di mo naman agad sinabi na maglilibot ka sana pala pareho nalang tayo ng pinuntahan." Tumawa lang siya  

"It's for Euni's sake you know! Tsaka para narin satin to para kung ayaw sabihin ni Euni na may problema sila ni Trystan alam na natin agad. Like now, she said that they were okay but that's what she only thinks. Come on get up susundan pa natin yung dalawa." Tumayo na kami and started searching for the two, at the end nakita namin sila na pababa ng Ferrus Wheel. Talagang nagtago pa! 

Hindi naman sila nagtagal sa Amusement Park tapos nagmall naman sila. By the way kotse ng Mama ni Momo gamit namin baka kasi mabuking kami eh. Para kaming holdaper eh! Biruin niyo nakashades tapos naka mask? Pakulo itong lahat ni Momo. 

Natapos lang ang lahat ng ihatid siya ni Trystan sa kumpanya niya mga bandang alas dos ng hapon at pagkatapos si Trystan naman ang sinundan namin bumalik lang siya sa office niya kaya umuwi nakami. Pero nag stay pa ng konti si Momo samin. 

"Napagod ako dun Momo! What now? Pagkatapos ng ginawa nating yun anong gagawin natin? Sasabihin natin kay Euni tapos iiyak siya?" Umupo ako at isinandal ang ulo sa sofa. 

"Mamatay nalang ako kesa ako sumabi kay Euni. It's better kung si Trystan ang mag explain." Yeah. I think so. Sa bandang huli napagdesisyunan nalang namin na huwag munang banggitin kay Euni ang lahat saka na pag nakapagpaliwanag na si Trystan sa kanya ng maayos. 

Momo's POV

Hey folks! It's Monday again! Hoo. Aheyt monday folks! Wala namang bago ayun ganun parin ang routine namin. Nag aalala lang talaga kami kay Euni, yung tawa niya halatang napakasaya niya pero kami? Naaalala lang ang mga nakita ng dalawang mata namin lumulungkot nakami para kay Euni. 

"SIT DOWN! There will be an Announcement, tumahimik kayo o hindi ko ito sasabihin?" Tumahimik naman lahat. 

"This coming October 19-20 Thursday and Friday, we will have a tour around Zambales. Everyone is required to join because this is included to your fee's." 

"YAAHHHH" 

Nag ingay ang lahat pati kami dahil sa apat na taon naming magkakaklase may traditional na kaming laro kapag may tour kaya naeexcite kaming lahat. Yiee excited nako! 2 days 1 night!

He and SheWhere stories live. Discover now