Chapter 16

7 0 0
                                    

 Euni's POV

It's already Morning pero hindi ako makatayo sa sakit ng pakiramdan ko, kahapon pa ako nagdaramdam pero natitiis ko but then hindi ko na kaya masakit talaga ang ulo at katawan ko. Sinabi ko pa naman kay Trystan na aalis ako tsaka kay Manang, hindi alam ni Manang na nandito pa ako kasi di pa ako nakakalabas ng kwarto simula kahapon. 

Kailangan kong uminom ng gamot kailangan ko ring kumain. Tumayo ako ng kama na balot na balot ng jacket at pajama. Pumunta ng kusina para magluto tinanghali yata ako ng gising dahil walang maid sa kusina. 

"Oh! Euni aba't akala ko ba ay aalis ka? Anong nangyari sayo't balot na balot ka? Nilalagnat ka ba?" Nag aalalang tanong ni Manang. 

"Opo Manang may gamot po ba?" 

"Hala oo, kunin mo doon sa cabinet at ako ng magluluto riyan" Kumuha ako ng gamot at bumalik na sa kusina pagkatapos ay kumain na ako. Wala man akong gana kailangan kong kumain para hindi magtagal ang lagnat ko.

 "Manang aakyat napo ako." 

"O sige pagdadala kita ng lugaw mamaya para mainit initan ka." Tumango ako atsaka ibinagsak ang katawan sa kama, inalala ko yung nangyari nung linggo. 

*Flashback

"NASAAN KA?!!" Hindi na ko nakasagot at pinatay ko muna dahil bababa na pala ako. Habang papatigil ang Ferris Wheel sa di kalayuan ay may nakita ako. Hanggang sa tumapat na ang ferris wheel sa babaan at sakayan nito, kung anong baba ko siya namang sakay ni Trystan at yung babaeng kausap niya dati, kasabay nun ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. 

Pagbaba ko hindi ko magawang makagalaw sa kinatatayuan ko ni hindi ko pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin, naglakas ako ng loob na gumalaw at tumakbo palayo. Dinala ako ng mga paa ko sa likuran ng isang stand. Doon umiyak ako ng umiyak, bakit? Bakit hindi ko mapigilan ang mga luha na patuloy na bumubuhos sa mga mata ko? Bawat punas ko may kasunod na patak. Bakit hindi ako makahinga ng maayos? Bakit masakit? Bakit masakit sa dibdib? 

Patuloy sa pagri ring ang cellphone ko, alam kong sina Aly iyon at alam kong nandito rin sila. At higit sa lahat alam kong alam nila na nandito si Trystan, pinatahan ko muna ang sarili ko bago ko wsinagot ang call nila. 

"Euni nandito rin kami sa Amusement Park sa may St. John." Bungad ni Aly, alam kong nandito sila.

 "Ano?! Akala ko pa naman nandito kayo sa Star City? Nasa Star City kasi ako eh." Alam kong hindi kapi paniwala ang alibi ko pero sana kumagat kahit ngayon lang. 

"Ahh ganun ba? Akala ko nandito ka eh kasama kasi namin si Melo. Di mo naman agad sinabi na maglilibot ka sana pala pareho nalang tayo ng pinuntahan." Tumawa nalang ako ng peke. 

"Actually nagsimba ako tapos dumaan nalang ako dito. Sige na ibababa ko na sasakay na ulit ako ng rides eh." Nag bye na ako at matapos nun umupo ako sa bench at bumili ng tubig. Bakit masakit? Bakit ako umiiyak? Bakit? Bakit ko iniisip yung nakita ko? Na para bang sasabog ang puso ko kapag iniisip ko yun. 

*End of Flashback

Ang lamig, naka on na yung heater pero malamig parin. Tumitig ako sa kisame, bakit? 

*beep! *beep! 

May sasakyan? Sino? Imposible namang yung dalawa sigurado ako nasa Zambales nayun ngayon. Sinilip ko kung sino iyon, siya nga. Lumabas ako ng kwarto para bumaba bago pa man ako makababa bumukas ang pinto, sa paa ko unang nakita ang unang taong pumasom dahil naka hood ako, hindi ko paman nakikita kung sino iyon tumalikod na ako at naglakad na pabalik ng kwarto saka kinumutan ang buo kong katawan. For the fourth time, bakit?? 

He and SheWhere stories live. Discover now