Chapter 9

9 1 0
                                    

  Euni's POV

"I love you." Rinig kong sabi niya kaya namula ako. Hindi na nga ako makagalaw hindi pa ako makapagsalita. How can you easily do that to me?

Hindi ako umimik hinayaan nalang na ganun ang posisyon namin ng ilang minuto pero siya parin ang bumitaw. Hanggang sa makaupo siya hindi ako umalis sa kinatatayuan ko para bang wala parin akong lakas para gumalaw sa ginawa niya sakin. 

"A-ahh p-pupunta muna ako sa k-kusina." Sabi ko at agad na lumabas ng kwarto, paglabas na paglabas ko sumandal ako sa pinto at huminga ng malalim. 

Nang makahinga hinga nako ng maluwag bumaba na ako at pumuntang kusina at nakita ang ilang mga kasambahay na nagluluto kaya nakisali ako. 

"Pwede pong tumulong?" Tanong ko sa isang matanda. 

"Naku wag na Ma'am umupo nalang po kayo diyan malapit narin naman po itong matapos." Ma'am? 

"Ah manang wag niyo na po akong tawaging Ma'am naiilang po kasi ako. Kahit Euni nalang po tawag niyo sakin tsaka mas matatanda po kayo sakin ang pangit tignan kung Ma'am ang tawag niyo sa akin." Nagtinginan lahat sila at sabay na nagtawanan. Hah? 

"Osya Euni, gusto mong tumulong kamo? Hiwain mo yan." Tumango nalang ako hanggang sa matapos kaming magluto. Taga amoy at taga tikim ako ng mga luto. Naghain na ako sa mesa habang nag lilinis naman sila. Ang sabi nila ayaw nilang sumabay dahil nahihiya sila kaya hinayaan ko nalang sila. 

"Manang ako na po tatawag kay Trystan, magpapalit rin naman po ako." Umakyat na ako at nagpalit saka ako tumayo sa harapan ng pinto ng kwarto ni Trystan. Bat ko ba napagdesisyonan na tawagin siya? Hayys. Bahala na nga. 

"Trystan, kakain na." Pagkasabi ko nun agad akong umalis at bumaba. Umupo nako at naglagay na ng pagkain sa mga plato. Kailan ako masasanay dito? Kung laging ganun si Trystan baka maging pula na ang mukha ko. 

Nang marinig ko siyang pababa na umayos ako ng upo. Momo! Sabi mo hindi to parang mag asawa! T.T bakit may feeling ako na yung mga ginagawa ko para sa mag asawa na! T.T Umupo na siya sa gilid ko kung saan madalas umupo ang padre de pamilya. Natapos kaming kumain na walang kumikibo, Linggo ngayon so wala siyang trabaho? Umakyat na siya sa taas pagkatapos at naiwan naman ako para tumulong mag hugas ng pinagkainan. 

Normal lang dapat sa akin yung hindi siya kumikibo dahil dun sa kanina pero bakit feeling ko hindi yun normal? Yung mukha niyang laging ngumingiti parang hinahanap ko. O baka nasanay lang ako na lagi siyang nakangiti at dahil ngayon ko lang siya nakitang ganun ang itsura. 

"Euni? Ija, ako na riyan pakidala nalang kay Trystan to. Nagka kape kasi siya palagi pagkatapos niyang kumain." Sa sinabi ni Manang naalala ko yung trabaho. Anong sense ng pagtira ko dito kung nagtatrabaho ako pag gabi? Eh kaso kailangan ko ng pera para sa tuition fee ko. Hindi na ba matatanggal sa utak ko yang mga yan? 

Kumatok ako bago pumasok at nakita so Trystan na nakaharap sa laptop niya. Pinatong ko yung kape sa may gilid niya dahilan para mapaharap siya sa akin pero agad din naman siyang humarap sa laptop. May problema to. Umupo ako sa kama niya at tinitigan siya. 

"Mind if you share your problem?" Tanong ko sa kanya at napatigil naman siya sa pagpindot. Hinarap niya ako at lumapit gamit ang swivel chair niya.. Heto na naman po tayo. Bakit kaba kasi gumagawa ng mga bagay na hahantong lang sa akward moments? 

"Will you solve it for me then?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Matalino naman ako pero bakit natatameme ako pagdating sa kanya? 

"I guess you can't,  even a scientist cannot solve my problem dahil ikaw lang ang makakalutas nito." Sabay turo sa dibdib niya, hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kaya napatungo nalang ako. Ilang segundo lang nagsalita ako. 

He and SheWhere stories live. Discover now