Labo-labong isip

146 1 0
                                    

Eto ang problema sa’kin kapag nag-iisip

Dire-deresto walang patid

Kung saan-saan napupunta and diwa

Kaya tuloy tumutunganga

Pero 'di naman talaga natutulala

'Di lang mapigilan ang isip parang nagwawala

Meron kasing binabagabag at inaalala

Sana’y mawaglit na sa isipan – mawala

Pero ‘di ko talaga alam kung ano  ang gagawin

Ang totoo 'di ko rin tiyak ang nais kong linawin

Ni ang detalye ng aking mga isipin

'Di ko mahinuha ang tunay na hangarin

Nakakapagod mag-isip ng walang direksyon

Kaya tuloy di ako makahanap ng solusyon

Pero gusto kong may mapala at gawan ng aksyon

Sana tulungan  akong ito'y mabigyan ng atensyon

-July 6, 2012

Ang Mga Talata : Tula/Poem collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon