Kung sakaling ako’y bubuo ng sarili kong tahanan
Ang nais ko sana’y ikaw ang aking maging kaagapay
Pumayag ka sanang patatagin ang haligi ng ating bahay
Mula sa iyong matatapang na paghamon sa buhay,
Galing sa iyong lakas ako ay huhugot
Kubo ma’y maliit, ilaw dito’y di malalagot
Sisikapin kong pasidhiin ang liwanag kong dulot
Gagabay sa’yo at sa ating mga paslit
Patungo sa magandang buhay na walang kapalit.
Hindi ko nais ng magarbong bahay o buhay
Nais ko lamang ay tahimik na pamumuhay
Ayoko ng gulo, o ng napakaraming pagtatalo
Ang gusto ko lamang ay ang pamilyang buo
Simpleng tahanan na puno ng pagmamahalan
Pagbibigayan at lubos na pagkakaunawaan
Marami mang pagsubok ang maranasan
Kahit may kanya-kanya pa tayong kahinaan
Tayo ay tiyak naman na may masasaligan
Isang buong pamilya, masayang tahanan
Tahanan ng ating kinabukasan
- Oct. 17, 2013
BINABASA MO ANG
Ang Mga Talata : Tula/Poem collection
PoetryIto ay koleksyon ng aking mga akda sa kategoryang tula. Galing sa aking blog ay sininop kong muli at pinagsama-sama para maging isang libro dito sa mundo ng wattpad. hehe. Sana mag enjoy po kayo sa pagbabasa, mayroong mga english at karamihan naman...