Tukuyin mo kung kanino ka namumuhi
Makipagtagisan ka para nang sakali
malaman na ikaw ang tunay na may mali
Sino ba ang iyong tunay na katunggali?
Galit mong sa iba palaging nakatali
Di naman batid na ikaw ang bumabali
Dahil sa katangahan at pagkakamali
Bumangon ka pa , bilisan at magmadali
Lisanin mo ang puot na namamayani
Sa mangmang mong isipan at ugali
Tanawin mo ating magandang bahaghari
Abangan sa ulap sa langit mamutawi
Magandang pangarap sa iyo’y manatili
Tanggalin ang galit, mabuhay na may ngiti
-Oct. 5, 2012
BINABASA MO ANG
Ang Mga Talata : Tula/Poem collection
PoesieIto ay koleksyon ng aking mga akda sa kategoryang tula. Galing sa aking blog ay sininop kong muli at pinagsama-sama para maging isang libro dito sa mundo ng wattpad. hehe. Sana mag enjoy po kayo sa pagbabasa, mayroong mga english at karamihan naman...