Sabay ang ating mga paa sa paghakbang
Sa madilim na kalsada ng bagong silang
Na kung saan ako ay iyong hinahatid
Pauwi sa aming tahanan
Habang sabay ding humihinga ang ating mga puso
Ninanamnam ang giliw nang pagsasama
Inaabangan ang iyong mga pagtitig sa aking mata
At susulyap din ang masaya mong kaluluwa
Na siyang aking kasamang masaya.
Ako nama’y nangingiti sa bawat salitang nasasambitla
Habang mahigpit mong hawak ang aking mga kamay
Sasabihin na ako ang pinaka maganda sa iyong paningin
Na hindi kailanman wawaglit sa aking tabi
Maya’t maya tayo’y sumusulyap sa kalangitan
Hinahambing ang ganda at payapang nararamdaman
Mangangakong magsasama habang buhay
Tatahakin ang parehong landas
Patungo sa kapwa natin pangarap
Na magandang buhay
Simpleng buhay,
na magkasama
-Oct. 30, 2012
BINABASA MO ANG
Ang Mga Talata : Tula/Poem collection
PoésieIto ay koleksyon ng aking mga akda sa kategoryang tula. Galing sa aking blog ay sininop kong muli at pinagsama-sama para maging isang libro dito sa mundo ng wattpad. hehe. Sana mag enjoy po kayo sa pagbabasa, mayroong mga english at karamihan naman...