Tsinelas na butas

793 2 3
                                    

Suot ang aking tsinelas,

Magsisimula akong maglakbay

Patungo sa aking bukas

Mula sa gabing napakatamlay

Ihahanda ko rin ang aking baro

Na proteksyon sa lamig hangin at bagyo

Na kahit puno ng putik at mabaho

Tatakip naman sa katawan kong buto-buto

Bato man ng pighati aking matapakan

Bubog man ng pagsubok ang malakaran

Kahit umabot ito sa aking kalamnan

Di ako susuko sa aking kinabukasan

Suot parin ang aking tsinelas

Na kahit na magkabutas-butas

Marating ko lamang ang landas

Na tiyak na magtataguyod ng wakas

-Oct. 8, 2012

Ang Mga Talata : Tula/Poem collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon