Episode One: The Dark-Eyed Stranger

8.9K 166 15
                                    

"WALANGHIYA ang lalaking iyon! May pramis-pramis pang nalalaman, hindi naman pala tutuparin!" Luhaang sambit ni Ellise habang mabilis na naglalakad palayo kay Albert. Ayaw na niyang makausap ito. Maliwanag na pinutol na niya ang anumang ugnayan nila at mabilis na lumayo rito. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit may pahabol-habol pa ito sa kanya ngayon.

Kababata niya si Albert at kung hindi lang dahil sa pangako nito sa kanya noon ay hinding-hindi na uli siya babalik ng Pilipinas. And to think na kararating lang niya sa Davao ng araw na iyon mula sa mahabang biyahe galing New York, a few days before her twenty-seventh birthday, ay heto at dinurog na nito nang bonggang-bongga ang kawawang puso niya.

"Kapag 26 na tayo at wala ka pa ring boyfriend, liligawan kita." Pangako iyon ni Albert nang lakas-loob niyang ipinagtapat rito ang kanyang pag-ibig before the end of the second semester. Kapwa sila nag-aaaral noon sa Ateneo de Davao University sa kursong AB Fine Arts. At ilang buwan na lang ay third year college na sila. Albert had been her closest friend since grade school. Magkapit-bahay sila sa isa sa mga exclusive subdivision ng city at magkakaibigan din ang kanilang mga magulang.

"B-bakit hindi na lang ngayon?" pagkuwan ay naitanong niya sa pagkamangha ng lalaki. He had been generous with her. At lahat ng hinihiling niya ay pinagbibigyan nito. Kaya naman hindi niya mapigilan na mahulog ang loob sa binata.

"Ngayon? Masyado pang maaga kung ngayon. Gusto ko, kung liligawan man kita ay iyong mature ka na." Sagot nito noon. Agad kumunot ang kanyang noo.

"Bakit, ano bang tingin mo sa akin, immature?" Maagap niyang tanong. The question generated a sigh from him. His handsome face contorted with despair and confusion.

"Come on, Ellise! We're still young. A lot of things can happen in the future. And—and besides I have a girlfriend right now and I just can't leave her."

"Why not?" she demanded. Kung may balak itong manligaw sa kanya, why would he bother keeping his girlfriend?

"Because I'm not like any other guy that you know. I'm not a heartbreaker."

"K-kahit hindi mo siya mahal?"

"Who said that I don't love her? I do! That's why hindi ko siya maaaring iwanan." Her heart stopped upon hearing those words. She blinked back the tears that threathened to fall.

Pakiramdam niya ay babagsak siya anumang oras dahil sa katotohanang narinig. "But someday, I'm gonna find you again." Albert added and the breath she had been holding was slowly released.

"P-Promise?" tanong niya na nagbabanta ang mga luha.

"I promise."

That was eight years ago. Call her crazy or whatever ngunit pinanghawakan niya ang pangako nito. Hindi siya nagpaligaw sa mga binatang nakasalamuha niya sa New York dahil nakalaan na para kay Albert ang puso niya. They had moved right after her second year in college. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam kay Albert noon dahil nasa isang camping trip ito nang panahong iyon. Nag-iwan na lamang siya ng isang sulat sa mommy nito.

Wala na siyang mga kamag-anak sa Pilipinas. Nasa America na silang lahat. Her parents are staying with her brother in Pensylvania samantalang ang youngest sister niya ay kung saan-saang international hotel tumutuloy dahil sa trabaho nito bilang flight stewardess.

"If you're still not over him, how come hindi ka umuwi ng Pilipinas to see him? And to find out if his promises still stand?" tanong sa kanya ng flatmate niyang si Andrea dalawang lingo na ang nakalipas. Ito rin ang kasosyo niya sa Ellise Books and Crafts. Napapansin kasi nito na madalas ay nag-iisip siya nang malalim at nakatanaw sa malayo. Dito niya inilabas ang pangungulila sa taong naging magandang bahagi ng kanyang kabataan.

Meant to Be My Hero [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon